PB ng Pinget, nakiusap para sa maayos na segregasyon sa basura

Nov 25, 2017

Napaunlakan nating makapanayam si Pinget Punong Barangay Pablo S. Pawi Jr. sa kanyang tanggapan para alamin ang kanyang mga nagawa sa kanyang panunungkulan bilang pinuno sa barangay.
Kilala si Kapitan Pawi na “small but terrible”. Terible talaga, height doesn’t matter dahil para sa kanya dapat may paninindigan at action agad kung mayron dapat gawin sa barangay ay tinatrabaho na agad ito, palakaibigan rin sa mamamayan ngunit nasa lugar din kung paano maging matapang, anya. Sa kanyang unang termino ay marami na agad pinakitang natapos na proyekto. Simula noong taong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay pinaayos nito ang mga pathways, canals at pavement na hanggang ngayon ay pinasemento na rin ang kalsada na mula Dizon, kalkalan hanggang Tam-Awan na pinundohan ng national government para sa proyekto na mula sa BLISTT at umabot sa P51 milyon at inaasahang matatapos sa susunod na taon. Organisado nito katuwang ang kanyang mga kagawad na sina Mario As-Il, Glory G. Taclawan, Luke P. Dawang, Virginia C. Jose, Ciano T. Kadatar, Gabriel A. Bayangdan at Juanito M. Balinag; ang kanyang masisipag na Day Care Workers na sina Jocelyn Widwidan, Teodora Palitayan at Elena Zenaida M. Dicang; Health Volunteers na sina Carmilita B. Ayan, Florence A. Pia, Ruth M. Cuteng at Cecilia Lalican; Street Sweeper na sina Mrs. Domegyay, Rocky Quiao, Norma Biala at Zenaida Tuazon; Barangay Police/Tanod Willy Aben, Magner Tibangay, Rudy Gallawen at Arsenio De Leon; at ang Barangay Lupon – Victor Balidoc, Venancio Butay, Narciso Dongla, Joseph Dumngal, George Gacawen, Franklin Dumaligan, Elena Julian at Benedicto Tecan.
Aktibo rin si kapitan sa lahat ng mga activities na ginagawa ng Pinget High at Elementary School. Kamakailan lang ay naging panauhin si kapitan sa isinagawang Children’s Summit na dinaluhan ng Pinget Barangay Council for the protection of children na pinangunahan ni Police Chief Inspector Gil B. Imado, ang pinaka-tema nito ay “Bata: Iligtas sa Droga”.
“Naging maayos rin ang pagpapatupad ng peace and order at layunin namin mamintina ang zero crime program na kung saan ay lahat ng krimen at illegal na gawain ay agad namin ipinaparating sa pulis upang maaksiyonan agad.”
“Ang primerong problema namin ay hindi naipapatupad ang segregation ng basura sa araw ng pagtatapon kaya nakikiusap ako sa aking ka barangayan na pagtiyagaan naman natin sana maihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok na basura sa bahay pa lang ay gawin na natin ang segregation. Maglaan tayo ng dalawang garbage bag na para sa di nabubulok at yung isa ay para sa nabubulok upang hindi tayo ang lagi na lang sinisita ng mga kaibigan nating matiyagang maagang nangungulekta ng ating mga basura,” pakiusap ni kapitan.
“Sa kabuuan na populasyon ng barangay Pinget ay umabot na sa 7,861 ngayon kaya nagpatupad rin kami ng “Oplan Aro” ang pagbabaklas ng plaka ng sasakyan sa mga nagpa-park na may “No Parking sign”. Ipinakiusap ko sa mga private vehicles na huwag i-park ang kanilang sasakyan sa main road, both sides, pwede nila i-park sa mga kalsada na pinagsangahan upang di makaabala kung may emergency mang mangyari.”
“Ipinatupad ko na rin ang Barangay Ordinance na Closing time ng stores at Computer Shop ng 9:30pm upang walang maghangad na uminon ng alak sa store, ipinagbabawal namin ito upang di pagmulan ng gulo at ang curfew hour din sa minor ay simula 7pm hanggang 5 am.”
“Ipinatupad na rin namin ang Aso ko, Tali ko at ang Tapat ko, Linis Ko. Kapag may nakita kaming mga aso na gumagala sa kalsada ay hinuhuli namin ito at dinadala namin sa Slaughter Compound upang dun na nila tutubusin, P50 bawat araw hanggat di pa nila tinutubos ay lumalaki ang kanilang babayaran, kaya lagi naming ipinanawagan sa mga residente na itali nila ang kanilang mga aso.”
“Ngayon kung sakaling may nasagasaan na aso sa kalsada ay hindi nito pananagutin ang driver dahil ang kalsada ay para sa sasakyan, hindi para sa mga galang aso, kaya itali nyo ang aso o ikulong sa loob ng compound niyo lang,” pakiusap ni Kapitan Pawi.
 

Ni: Mario D. Oclaman, mobile # 09473472254

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest