LUNGSOD NG TUGUEGARAO – Binuksan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang limang branches upang magbigay ng health services sa malalayong lugar sa probinsiya ng Apayao noong nakaraang linggo upang tiyakin na ang medical at health care programs ng gobyerno ay makakarating sa target clients na “poorest of the poor”.
Ayon kay Engr. Boyet Taccad, PCSO branch manager, na seryoso ang PCSO sa pagbibigay serbisyo sa bawat bahagi ng Pilipinas, mas marami pa diumano na branches at sub-branches sa Kalinga at Cagayan provinces ang asahang bubuksan ngayong taon o sa susunod na taon upang matupad ang hangarin na universal health care para sa Pilipino.
Ayon pa kay Taccad na ang limang branches ng PCSO outlets ay nasa mga munisipalidad ng Pudtol, Santa Marcela, Luna at Flora.
Maliban sa financial at medical assistance, nagbibigay din ang PCSO ng mga medical equipment sa mga ospital ng gobyerno tulad ng mga gumagawa ng prosthetics.
Hiniling ni Taccad ang suporta ng lahat sa kanilang mga produkto tulad ng lottery, sweepstakes at digit games upang makalikha ng pondo na magsu-sustain sa kanilang charity works at health programs.
Sinigurado rin ni Taccad ang paggamit sa pondo ng PCSO upang maiwasan ang graft and corruption dahil ang pondo ay para sa mga mahihirap. S.C.DILAN / ABN
August 15, 2018