PHILIPPINE CREATIVE INDUSTRIES DEVELOPMENT ACT: IPAGLALABAN NG DTI

Baguio City

Patuloy umanong ipaglalaban ng Department of Industry na maipasa bilang batas ang Philippine Creative Industries Development Act marapos na mag lapse ito noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng panahon. Ang Republic Act No. 11904 o ang PCIDA ay nais na mapalago pa ang mga industriya sa Pilipinas na kasama sa creative sectors, kagaya ng traditional handicrafts (wood carving, weaving, tattooing, visual and performing arts, media production, at mga bago at nagsisimula pa lang na lumago na creative industry kagaya ng software design at animation.

Sa sandaling maging batas na ito ang PCIDA ay nais na tulungan ang mga miyembro ng creative sector na ihandog at ibenta ang kanilang mga produkto at serbisyo sa loob ng Pilipinas at sa ibang bansa. Ang pagtatag ng mga pampublikong pasilidad na maaaring gamitin ay isa lamang sa mga halimbawa ng programa na nais isagawa nito. “There is still a manifestation of support from the current administration, and they would want us to know that they look forward to the time when the Philippines will be called the number one creative economy in ASEAN (Association of Southeast Asian Nations).

Mayroon pa ring supporta mula sa current administration, at gusto nilang ipaalam sa atin na inaasahan nila na matatawag din na number one creative economy sa ASEAN ang Pilipinas.” Ipinahayag ni DTI Cordillera Administrative Region representative Samuel Gallardo. Noong 2021, naitala ng DTI na higit sa labing-isang porsyento ng mga trabaho sa buong bansa ay nanggagaling
mula sa creative sektor, at halos limang milyong piso ang kinita ng kabuuang industriya.

Thea Sherina Cathelin Rillera – UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon