LUNGSOD NG BAGUIO – Isinumite ng pamahalaang lungsod ang panukalang 2021 budget nito na PhP1,904,482,458.00 sa Department of Budget and Management (DBM) para
marepaso ayon kay City Budget Officer Leticia Clemente.
Ang halaga ay 15.54 porsiyentong mas mababa kaysa budget ng nakaraang taon na PhP2,255,000.00. Sinabi niya na ang overall budget ay suma-tutal ng kanikaniyang budget ng bawat departamento ng pamahalaang lungsod na inaprubahan ng sanggunaing panglungsod sa kanilang budget deliberations.
Ang kasalukuyang pandemya sa COVID-19 ay nagdulot ng kalungkutan sa mga deliberasyon, ayon kay Clemente, kung saan nagdesisyon ang konseho na bawasan ang mga budget ng national government offices lalo na ang allowances na nagkakahalaga ng nasa PhP5 milyon bilang bahagi ng “paghihigpit ng sinturon”.
Ang konseho ng lungsod ay may “power of the purse” o awtoridad na bawasan ang isang naisumiteng budget, paliwanag niya.
Tinanggal ang capital outlays para sa non-essential projects, programs and activities mula sa susunod na budget, dagdag ni Clemente.
Nabawasan din ng nasa 11 porsiyento ang maintenance and other operating expenses ng lungsod (MOOE) gaya ng supplies and materials, transportation, travel, trainings, repairs at iba pa. Gayunman ay siniguro niya na walang magiging pagbawas sa bilang mga empleyado ng pamahalaang lungsod kasama ang job orders sa susunod na taon.
“All of the city’s job orders are with the public order and safety division (POSD) which the city intends to maintain,” ani Clemente.
Ang pinagkaibahan ng budget deliberation ngayong taon sa nakaraang taon ay nakatuon ang konseho ng lungsod ang atensiyn nito kung ang “resiliency and recovery” plans ng lungsod laban sa COVID-19 ay nasakop sa budget.
“While the city will continue to provide basic services to the public as provided by the local government code, programs for the ‘new normal’ will also be factored in,” aniya. Inihayag ni Clemente na tinitingnan ng lungsod ang lugi ng higit kumulang PhP200 milyon na inaasahang kita ngayong taon dahil sa pandemya na humagupit sa lokal na ekonomiya lalo na sa sektor ng turismo.
GBK-PIO/PMCJr.-ABN
November 29, 2020
November 29, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025