Pres. Duterte inaasahang dadalo sa Sillag Fest 2017

Apr 1, 2017

SAN FERNANDO, LA UNION – Inaasahan ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo R. Duterte bilang pangunahing panauhing pandangal sa gaganaping tatlong araw na Sillag Festival sa April 7 hanggang 9, 2017.

Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay PPMC President and CEO Felix S. Racadio sa ginanap na press conference and final coordination meeting noong March 28 (Tuesday) “personal kong pinuntahan at nabigyan ng liham sa tanggapan ng pangulong Duterte para sa imbitasyon natin bilang our guest speaker sa event ng ating festival, inaasahan ko ang kanyang pagdalo kung magkaroon ng pagkakataon na wala siyang ibang appointment sa araw ng ating festival.

“Kailangan rin makita ng Pangulo ang progresibo ng ating festival na anim na taon na natin pinapatakbo ito kaya siguro ay mas lalo pa natin higit na pagbutihin na mapaganda at maging kaakit-akit ang mga presentasyon ng ating program at activities sa tulong at pagkakaisa na rin mula sa ating mga kababayan, residente, negosyante at government agencies upang mapataas pa natin ang antas ng turismo sa lungsod ng San Fernando, La Union,” saad ni Racadio.

Dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng gobyerno, pribadong establisimyento, military police at ng tri-media para talakayin ang pinakahuling programa ng pagdiriwang ng ika-6 na taon Sillag Poro Point Festival of Lights 2017.

Ayon kay PPMC VP for Airport Management Josefa Catherine T. Bada, “In line with this Sillag Festival we’ll share with you the final program and activities and at the same time to seek your strong support which have generally extended to Poro Point Management Corporation for the past five years.”

Aniya, noong 2012 ay inilunsad ang Sillag Poro Point Festival of Lights upang i-promote ang anim na ektaryang lighthouse area at “to attract domestic and foreign tourists to raise a mass market and to research business and commerce in San Fernando City and the province of La Union.”

“Noong nakaraang taon ay umabot sa 120,000 tourist guest spectators ang sumaksi at nakisaya sa festival at inaasahan natin ngayong taon na mas marami pa tayo maiimbita mula sa ibang karatig probinsya ng Ilokos at mga dayuhan mula sa ibang bansa,” ani Bada.

Sa unang araw, April 7 (Friday) ng 6am-1pm ay idaraos ang SILLAG Golf Club sa The Cliffs (The Thunderbird), 3pm-4pm isasagawa ang Holy Mass sa PPMC Conference Room, bubuksan naman ng 4pm ang magkakasunod na activities hanggang April 9 ang Sillag delights (Trade and Food Fair, Bonzai Competition and Suiseki Exhibit, Children’s Playgorund, Car Show, Static Display na itatanghal sa SILLAG Village (Poro Point Baywalk Area), Open House of Flying School ng Leading Edge International Academy Inc sa San Fernando Airport, Performance of Band at ZUMBay (Zumba by the Bay).

Magsisimula ng 6pm-8pm ang Sunset Run for Hope (Fun Run) mula sa Sillag Village Poro Point Baywalk area to Poro Point Lighthouse, Thunderbird Hotel pabalik sa Sillag Village.

Sisimulan naman ng 8pm-9pm ang Lighting of Sillag Village, Torch Run, A Thousand Lanterns for a Thousand Dreams (Hope Lantern Ceremony) at Awarding.

Magtatanghal naman ng concert ang banda ng Cueshe, April 8 (Sabado) sisimulan ng 6am onwards ang Fluvial Race (Lumba ti Bilog) sa San Fernando seaport, Kite flying competition, Sky Diving, Street dancing competition with light emitting costumes at concert band ng HALE.

Sa huling araw ng aktibidad ay sisimulan ang Air Show, Children’s show COSPLAY, Assembly of floats for the lights Parade, Lanterns by the Bay-Lights Parade, Firebirds and Pyromusical Show at concert ng Callalily band. ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest