PROCOR TUMANGGAP NG BAGONG 46 PATROL CARS

CAMP DANGWA, Benguet

Sa pagdaragdag ng 46 na bagong police mobiles sa fleet ng mga patrol car ng Police Regional Office-Cordillera, maaari na ngayong asahan ng publiko ang pagtaas ng police visibility at pagpapatrolya upang mapigilan ang krimen at higit na mapabuti ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Sinabi ni Col Freddie Lazona, hepe ng Regional Logistics and Research Development Division (RLRDD), sa 46 na Personnel Carriers (Toyota Hi-lux 4×4), ang Abra Provincial Police Office ay tatanggap ng 19 na sasakyan, habang ang Kalinga PPO ay nakatanggap ng 8 sasakyan; 3 para sa Apayao PPO; 2 para sa Benguet PPO, at tig-7 sasakyan para sa Ifugao PPO at Mt. Province PPO.

Sinabi ni Brig.Gen.Mafelino Bazar, regional director, ang mga bagong sasakyan ay makakatulong sa PROCOR sa pagkamit ng target nitong wala pang limang minutong response time para sa tulong ng
pulisya. “Sa simula pa lang, ang gusto natin ay mabilis na tumugon ang ating mga tauhan sa bawat paghingi ng tulong ng ating mga kababayan. Dahil mayroon tayong mga bagong sasakyan, malaking tulong ito para maabot natin ang oras ng pagtugon na gusto natin,” ani Bazar .

Sinabi ni Bazar, ang pinakahuling procurement na ito ay pinondohan sa pamamagitan ng appropriations
para sa Capability Enhancement Programs (CEPs) para sa 2019, 2021, at 2022 na nagkakahalaga ng P761,219,682.00 at nakapasa sa functional at endurance test na tinitiyak na nasunod angmga specifications na ibinigay ng PNP.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon