LUNGSOD NG BAGUIO – Di-magtatagal ay mag-iisyu si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng isang Executive Order (EO) na magtatakda ng isang moratorium o suspensiyon ng konstruksiyon ng malalaking commercial buildings at pagputol ng mga puno dito, ayon kay Mayor Benjamin Magalong noong Martes.
“I spoke to the President two weeks ago and he has already approved the building moratorium and tree cutting,” ani Magalong. Umaasa rin siya na ang pag-isyu ng EO ay kasabay ng pag-apruba ng PhP500 milyon fund component para sa implementasyon ng moratorium.
Sa ikalawang araw sa opisina, ay sinabi ni Magalong sa media na nakausap niya si Pangulong Duterte ukol sap pagisyu ng isang EO para sa rehabilitasyon ng Baguio.
Sinabi niya na para”maghilom” ang lungsod, ilang infrastructure projects ay dapat matigil. Sinabi ni Magalong na ang building moratorium ay una muna para sa isang taon at sakop lamang ang commercial buildings, hindi kasama ang residential structures.
Ilang sektor ang humiling na matigil ang development ng Baguio, na nagdulot ng ibang problema gaya ng basura, sewerage, trapiko at kakulangan ng mga pampublikong serbisyo.
Patungo rin ang moratorium sa implementasyon ng polisiya ng National Building Code para sa probisyon ng parking sa loob ng mga kaslukuyang gusali, upang maibsan ang pagsikip dahil sa iligal na parking. Sinabi ng Mayor na ang building moratorium ay maiibsan ang karagdagang sewerage at paggamit ng tubig habang ang moratorium sa pagputol ng mga puno ay makakatulong sa imbentaryo ng aktuwal na bilang ng mga punong-kahoy sa lungsod.
PNA/PMCJr.-ABN
October 14, 2019
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024