Natagpuan ang putol na kamay ng isang babae bandang 4:30am ng July 6 sa bus terminal sa kahabaan ng Governor Pack Road, Baguio City.
Ayon sa ulat, sinisiyasat ni Edward Esteron Mandaraog, 22, single, basurero, habang kinakalkal niya ang isang basurahan ay nakita niya ang putol na kamay na nakalagay sa isang supot sa loob ng isang karton. Dinala nito ang kahon na may kamay at ibinigay sa Precinct 3 ng Police Station 7, Session Road, Baguio City.
Ang narekober na putol na kamay ng tao ay dinala naman sa Baguio Memorial Chapel para sa forensic examination ng PNP Crime Laboratory Service para sa pagkakakilanlan. Ang insidente ay muli pang iniimbestigahan. TFP
July 9, 2017
July 9, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025