Rape suspek sa Benguet, huli sa Occidental Mindoro

LA TRINIDAD, Benguet – Nadakip ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office ang suspek sa dalawang beses na panggagahasa sa ising menor de edad sa Benguet mula sa pinagtataguan nito sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Nabatid kay Benguet PNP Director PCol. Elmer Ragay, ang suspek ay nakilalang si Peter John Sanchez Tamolang, 27 at tinaguriang No. 2 Top Most Wanted Person sa lalawigan ng Benguet. Ayon kay Ragay, nakatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay matagal ng nagtatago sa nasabing lalawigan, kaya’t pagkalabas ng warrant of arrest ay agad nagtungo ang mga tauhan ng BPPO at nakipagcoordinate sa San Jose MPS at nadakip ito sa may Barangay Poblacion 7, San Jose Occidental Mindoro on Jan 9.
Ayon sa Mankayan MP, noong Setyembre 20, 2019, ang biktima ay inabuso ng suspek na naganap sa may sementeryo sa Mabileg, Tabio, Mankayan, Benguet.
Naulit ang pang-aabuso noong Oktubre 4, 2019 habang ang biktima ay naglalakad sa may Mabiteg, na sapilitang hinatak ng suspek patungo sa cemetery at doon ay muling ginahasa.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ni Judge Daniel Mangallay, ng Branch 64, Regional Trial Court,First Judicial Region, Abatan, Buguias, Benguet noong Enero 7 sa kasong 2 counts of rape with no bail recommended.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon