RECIDIVIST NA NAHAHARAP SA MARAMING KASO, MULING NAHULI SA BCPO

BAGUIO CITY

Sa isang maselang operasyon ang inilatag ng Baguio City Police Office sa isang recidivist na nahaharap sa maraming kaso ,ang muling nahuli sa Tacay Road, Pinsao Proper, Baguio City noong Hunyo 10. Ang akusado ay kinilalang si “Mulong”, 39, ay tinaguriang High Value Individual at kabilang sa top ten sa listahan ng Illegal Drug Personality ng
Police Regional OfficeCordillera Administrative Region (PRO-CAR). Bukod pa rito, siya rin ay niraranggo bilang ikatlong Top Most Wanted Person ng Baguio City.

Batay sa ulat, si Mulong ay pinuno ng Maraya Robbery Criminal Group mula 2008 hanggang 2015 at nag-operate sa Baguio at La Trinidad. Ang kanilang modus ay ang pagnakawan ng mga bahay sa araw kapag ang mga may-ari ay nasa trabaho o nasa bakasyon. Siya ay hinatulan ng paglabag sa Republic Act 10591, o Illegal Possession of Firearms, kaugnay ng COMELEC Gun Ban, at nagsilbi sa kanyang sentensiya noong 2015. Gayunpaman, isang taon matapos siyang palayain noong 2022, si Mulong ay muling nahaharap sa kasong Robbery with Force Upon Things.

Maliban dito, nahaharap din ang akusado sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, o Resistance and Disobedience to a Person in Authority o’ the Agents of Such Person, matapos makaiwas sa checkpoint noong Marso
nitong taon. Nag-iwan siya ng bag na naglalaman ng marijuana brick at mga baril na humahantong sa karagdagang mga kaso sa ilalim ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin ang Republic Act 10591.

Alinsunod dito, ang akusado ay dati nang nahuli ng mga pulis ng Baguio para sa kasong pagnanakaw noong Abril ,ngunit nabigyan ng piyansa. Sa ipinatupad na warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, walang
piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa dedikasyon na pangalagaan ang lungsod laban sa kawalan ng batas, ang BAGUIO’s FINEST ay patuloy na nagpapalakas at nagsasagawa ng antikriminalidad at pagpapatupad ng batas na.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon