Red Cross may sasakyang pang-rescue na

LINGAYEN, PANGASINAN – Ngayong mayroon nang sariling sasakyan ang Philippine National Red Cross (PRC) na pang-rescue ay tinitingnan nila ang isang sasakyang panghimpapawid upang makatulong sa mas maraming tao na nangangailangan ng tulong nila.
Inihayag ito ni Novel Robert Dolde, miyembro ng Board of Governors, na layon ng PRC na makabili ng helicopters mula sa mga donasyon ng partners at supporters.
“PRC has land vehicles like ambulances and fire trucks and water vehicle with the Amazing Grace ship and rubber boats. It hopes to acquire choppers so it could have first aid and rescue vehicles for land, water and air,” ani Dolde sa selebrasyon70th year ng PRC-Pangasinan Chapter na idinaos sa Lingayen.
Sinabi ni Dolde na nais ng PRC na magbigay ng ambulansiya sa lahat ng chapter sa inisyatibo ni PRC Chairman Richard Gordon.
“With all the partners and volunteers, information technology and logistics, we can truly say that the Philippine Red Cross is always first, always ready and always there,” aniya.
Sinabi pa ni Dolde na uulitin ang ginawang human cross formation na ginawa dito sa darating na Hulyo 23 tamang-tama sa Million Volunteer Run. Sisikapin din ng Pilipinas na lagpasan ang record ng Australian Red Cross na pinagsama-sama ang 7,000 volunteers para sa pormasyon ng human cross. Venus May H. Sarmiento / ABN

Amianan Balita Ngayon