Red Cross-Pangasinan at mga unibersidad, magkatuwang sa blood donation

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Ipinagpapatuloy ng Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter ang adbokasiya nito sa donasyon ng dugo sa pamamagitan ng mobile drive sa mga paaralan at unibersidad.
Sinabi ni Councilor Maybelyn Dela Cruz Fernandez, bagong chairman ng PRC-Pangasinan board, na masuwerte ang Red Cross sa pagkakaroon ng katuwang gaya ng University of Luzon (UL) sa Dagupan at iba pang paaralan upang makamit ang pangangailangan ng dugo ng probinsiya.
“Blood donors are heroes in this present time. Don’t wait for your family members to need blood before we see the need to donate blood. Thank you for taking time to share life,” pahayag ni Fernandez sa mass donation program na idinaos sa UL gymnasium.
Sinabi ni Florame Magalong, chapter administrator, na kung namamahagi ng dugo ang tao ay tumutulong sila na madagdagan pa ang buhay ng ibang tao.
Ayon naman kay Dr. Carmelo Vidal, director ng UL Extension Services, na ang College Red Cross Youth Council ay aktibo tungkol sa pagiging volunteer lalo na sa Pledge 25 Project.
“The Pledge 25 project targets the youth aged 25 and below or those in the college level to take part in donating blood and convince their friends and family to heed the noble endeavour,” ani Vidal sa isang panayam.
May 304 na mga estudyante ang nakibahagi sa mass blood donation noong nakaraang Miyerkules na nakaambag ng nasa 136,000cc ng dugo, ayon kay Vidal.
Nagsilbing panimulang aktibidad ang donasyon ng dugo sa selebrasyon ng 70th Foundation anniversary ng UL.
Samantala ay nagbigay ang PRC ng school supplies at hygiene kits sa mga mag-aaral ng limang paaralan sa Sison, Pangasinan at nagsagawa ng blood donation drive sa Urdaneta, Pangasinan ng sumunod na linggo. PIA-1, Pangasinan / ABN

Amianan Balita Ngayon