REDEVELOPMENT NG SUNSHINE PARK, SINIMULAN NA

BAGUIO CITY

Sinimulan na City Environment and Parks Management Office (CEPMO) ang redevelopment ng pamosong Sunshine Park, para pagandahin ito. Sa pangalawang pagkakataon, nagsasagawa muli ng pagtatanim at pagpaparami ng puno sa paligid ng parke, hanggang sa pagpapaayos ng iba pang istraktura ng lugar. Ayon kay CEPMO Officer Rhenan Diwas, ang proyektong ito ay pinondohan ng Bloomberry Foundation sa halagang P20 milyon. Tinalakay naman ni
Architect Joanne Dicsen ang mga parte ng lugar na magkakaroon ng reconstruction.

Kabilang sa reconstruction ay ang main entrance pathwalk, elevated pathwalk mula sa UP Drive, practice at recreation area sa parke, PWD Ramp, renovation ng entablado, bike racks, PUJ/ PUV drop-offs, at dagdag na
elevated sitting areas. Isinaad niya na ang tanging layunin nila ay pagandahin ang lugar habang pinapanatili ang
likas na ganda nito. Nagpakita rin sila ng kanilang plano para sa Sanitary Drainage at isang proyekto nila ay ang paglalagay ng pervious concrete sa sahig ng parke dahil ito ay may kakayahang higupin ang tubig, solusyon rin sa
pagbaha tuwing umuulan.

Para sa lighting plan, sila ay magkakabit ng mga ilaw palibot sa lugar partikular sa gitnang entablado. Ang idadagdag na mga ilaw ay makakatulong at mapapangalagaan ang kaligtasan lalo na sa mga estudyanteng nag-eensayo tuwing hapon at upang magamit rin ito hanggang gabi. Ang iba pang mga plano at mungkahi ng mga lokal ng lungsod ay pagtatanim ng mga bulaklak sa paligid at pakikipagugnayan sa mga lokal na artist upang bigyan pa ng kulay ang
parke ng lungsod.

Gwyneth Anne Mina/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon