CAMP ALLEN, Baguio City
May 20 matataas na paaralan na may libong mag-aaral mula sa Grade 10 at 12 ang sumali sa 2024 Career Guidance Fair and Caravan ng Baguio Schools Division Office sa tulong ng School Governance and Operations Division and Youth Formation na pinasimulan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) Armed Forces of the Philippines (AFP), na ginanap sa PFVR Gymnasium, Baguio City,kamakailan. Sa ilalim ng temang ‘Navigating a Future Career Path’, sumali ang NOLCOM AFP sa aktibidad upang isulong ang mga karera sa militar at palakasin ang ambag ng mga mag-aaral sa pagtataguyod ng bansa.
Ito rin ay bahagi ng “Project UniVISITy” ng NOLCOM, isang kampanya sa kamalayan sa seguridad sa mga kabataan tungkol sa pambansang seguridad upang maiwasan silang sumali sa Communist Terrorist Group (CTG) at maging mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaunlaran. Ang NOLCOM AFP sa pamamagitan ng 1st Civil Relations Group (1CRG), CRSAFP ay nagbigay sa mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon at kaalaman tungkol sa mga potensyal na landas sa unipormadong serbisyo.
Tinalakay din ang mga kinakailangan, oportunidad, at responsibilidad ng paglilingkod sa militar at binigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina, dedikasyon, at pangako sa loob ng propesyong ito. “Our goal is to inspire the next generation of leaders because we believe and we are still rooting in our youth as the hope of the nation,” pahayag ni Major Al Anthony B. Pueblas, Group Commander ng 1CRG CRSAFP. Naglagay rin ng photo gallery at recruitment booth kung saan ang mga tauhan ay nagbigay-aliw sa mga tanong tungkol sa proseso ng pagsali sa marangal na propesyon, kasama ang pamamahagi ng mga leaflet sa pangangalap ng AFP.
Para sa taong ito ng pagaaral, ang NOLCOM, kasama ang RMFB15 at Cordillera Youth Leaders ng PNP Cordillera, ay nakapag sagawa na ng mga programang gabay sa lahat ng pampublikong senior high school sa Baguio City.
Denielle Julianne Baltazar/UBIntern
May 4, 2024
May 4, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024