Retiradong nurse na dayuhan, sinaktan ang kasintahan

Nahaharap ang retiradong nurse na dayuhan sa reklamong physical abuse matapos nitong saktan ang kaniyang kasintahan at personal caregiver hapon ng Agosto 7, 2018 sa kanilang tinutuluyan sa ground floor ng Mt. View Villas sa Green Valley, Dontogan, Baguio City.
Inireklamo ni Rosalie Dimanalata Cayetano, 53, mula sa Caloocan City, sa mga tauhan ng Baguio City Police Office si Stephen Henry Giers, 67, retiradong licensed nurse mula USA, na sumuntok sa biktima sa mukha matapos ang mainit na sagutan.
Napag-alaman ng mga pulis na ang dayuhan ay pinagsabihan ang biktima na hindi nito babayaran ang kaniyang serbisyo bilang personal caregiver, kaya naman kinuha ng biktima ang passport ng suspek.
Sa galit ng banyaga, sinuntok nito ang mukha ng kaniyang kasintahan.
Tumakbo ang biktima sa pulisya upang ireklamo ang kaniyang kasintahan-kliyente. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon