Ruso at asawa nito, nilooban

Isang Russian National na kinilalalang si Aleksei Zazaev y Andrevich, 52 at asawa nito ang nilooban at pinagnakawan sa kanilang tirahan noong Setyembre 18 sa Sitio Nansuso barangay Bacarri, Paracelis, Mountain Province ng apat na di pa nakikilalang suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ay matutulog na sana ang biktima at asawa nito nang kumatok ang mga suspek sa pintuan ng kanilang sari-sari store at nang buksan ng biktima ang pinto ay biglang pumasok ang apat na suspek at kinuha ang isang relo (gold plated), isang backpack na bag na naglalaman ng P35,000, isang chainsaw at tatlong cellphone.
Tumakas ang mga suspek papuntang probinsiya ng Kalinga sakay ng dalawang motorsiklo at isang van. Dinala sa Paracelis District Hospital ang biktima para sa kaukulang medikasyon. Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang kaso.

Amianan Balita Ngayon