Boarders ng apartment, pinagnakawan

Isang apartment ang puwersahang pinasok at pinagnakawan ng mga di pa nakikilalang suspek noong Setyembre 17 sa pagitan ng 8:15am hanggang 6pm. Nangyari ang insidente sa Tony Alos Apartment, Sayangan, Paoay, Atok, Benguet at kinilala ang mga biktima na sina Adan Aries Pasian Dionisio, 30, may-asawa at magsasaka; Bichelle Gay Gayagay Matalang, 26, walang asawa; Nicole Alberto Calderon, 21, walang asawa at kapuwa empleyada ng isang banko at mga residente ng nasabing apartment.
Sa inisyal na imbestigasyon ay puwersahang binuksan ng mga suspek ang padlock ng main door at nang nasa loob sila ay puwersahan ding pinagbubuksan ang mga kuwarto ng mga biktima at tumakas dala ang nasa kabuuang P12,500 halaga ng pera at mga bagay.
Nanakaw kay Dionisio ang halagang P5,000; P3,000 naman kay Matalang at isang Casio Wrist Watch ang nakuha kay Calderon na nagkakahalaga ng P4,500.
Prinoseso ang nasabing lugar ng insidente at walang nakuhang mga fingerprint gayundin ay walang CCTV ang nakalagay sa nasabing lugar habang patuloy pa rin ang kaukulang imbestigasyon sa nasabing kaso.

Amianan Balita Ngayon