Magsasaka, huli sa paninilip

Huli ang isang magsasaka sa paninilip sa bintana ng isang bahay bandang 11pm ng September 17, 2017 sa Brgy. Tuquib, Villaviciosa, Abra.
Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 7:30pm ng parehong araw ay napansin ng 49 anyos na babaeng biktima, single, dating OFW at residente ng nasabing barangay na naninilip sa bintana ng kanilang bahay nang walang dahilan ang suspek na si Diosdado Taberdo, 48 anyos, single, magsasaka, at residente ng Sitio Manusa, parehong barangay.
Agad humingi ng tulong ang biktima sa kaniyang pamangkin upang tawagin si Barangay Captain Daniel Paned Cayabo at sabihin ang pangyayari.
Rumesponde ang barangay captain kasama ang ilang barangay kagawad at mga tanod upang arestuhin ang suspek bandang 10:30pm ng parehong araw at dinala sa Villaviosa police station para sa dokumentasyon bago ihain ang kasong trespass to dwelling laban sa suspek.

Amianan Balita Ngayon