SAMUT SARI SA 2025

MAY MGA pagbabago ba tayong dapat na gawin sa ating buhay, na mas magaang pa sa ating ginawa nitong nakalipas na taon. Oo nga at taunan nating inililista ang tinatawag na New Year’s Resolution, ngunit ilan sa mga ito ang nagaganap? Kung baga sa agos at daloy ng buhay, para lamang ilog na kapag dumaan ay hindi na bumabalik at tuloy tuloy lang ang pag-agos.Tila unos na humahampas sa nagdang agos ng buhay. Isang balik-tanaw sa nagdaang taon. Hindi ba’t kalunos-lunos ang mga larawan ng paghasik ng Inang Kalikasan. Ilang malalakas na pagsungit ng panahon ang ating dinanas? Ilang bagyo ang tila delubyong naghasik ng lagim at siphayo?

Maaaring hindi tayo na sentrohan ng mga malalakas na hampas ng ulan at hangin, ngunit sa kapatagan na malayo
sa ating kabundukan, ay larawan ng pagsasalanta ang dumaan. Tanda pa ba natin na sa mga pambihirang araw na
bumabagyo sa ibaba natin, dito naman sa atin, napaka maaliwalas ang kalangitan. Ang mga sinalanta ay nakaranas ng mala-delubyong pagbuhos ng ulan at paghampas ng hangin. Ang mga kalsada ay nabiyak, ang mga taniman ay
bumigay, ang mga taga-roon ay gamit lang ang mga tsinelas sa pagbagtas ng nilalandas. Ngayong unang buwan ng
taon, atin ng pinaghahandaan ang panahon ng pagmamahal.

Pebrero nga naman ang buwan ng mga puso. Muli nating maaalala ang mga mahal sa buhay. Hindi lamang pamilya at mga kaibigan kundi na rin ang mga bagay-bagay na nagpapamahal sa buwan ng pagmamahal. At dahil sa panahon
ng pagmamahal ang ating binibigyang tinig, muli nating pakinggan ang mga hinaing ng mga nagdaang taon, ang ligaya na dulot ng panahon. Ligayang nagbibigay bugso ng pag-asa para sa hinaharap. Ligayang maaaring naipagkait
ng ilang buwan at ngayon ay pumipiglas, bumibitaw, at gumuguhit ng panibagong anyo at anyaya. Ang mga sigalot at di-pagkakaunawaan, atin na munang isantabi. Maging mapagpatawad at maging napatawad kung sinoman ang
hindi makasundo nitong dumaraang taon.

Ang kaibigang kay tagal ding inaruga, ngayon ay buong layang tinatawagan, kinukumusta, at binabadya ng ibayong kasiyahan. Ikaw na ang aking Valetinang sinta! Bigyang laya ang kay tagal ng kimkim ng damdamin at sinusupil ang pag-iisip. Kung noong minsan ay muntik ng makawala, sa darating na buwan, ay hayaang makahulagpos, tahasang
isantabi ang anumang siphayo ng pagkakalayo at pabayaang bigyang buhay ang damdaming ngayon ay kumakawala.
Bigyang daan natin ang agos ng unawaan at hayaang ang panibagong hininga ng pagkakasundo ay mamutawi sa mga labi na kay tagal ding umukit ng larawang hanggang pagkakatanda lamang mararanasan.

Kailanman, ang pusong naantig ay gigising din upang bigyang laya ang kay tagal ding nalimlim sa takip-silim ng
buhay. Anuman ang panahon, anuman ang pagkakataon, titigil ang agos ng buhay, hihinto ang mga dalamhating kay tagal ding kinimkim. Muli at muli, ating ihiyaw ang ngalang kay tagal ding naibaon sa pagkalimot. Muling isulong ang patuloy na usad ng kaligayahang nakatuon sa panginorin ang katuparan. Aba, 2025 na pala. Ilang buwan na lang, ang mga pumupusturang maalala sa Mayo a-12, ay tagisan na, salpukan na. Karanasan. Kakayahan. Katapatan.
Ito ang mga katangiang dapat na bigyang mataas na pagpapahalaga sa panahon ng eleksyon.

Ang batayan ng mga karapat-dapat ay wala sa ngalan na maaaring nakaukit sa pananaw. Ating uulitin upang madaling iukit sa ating kamalayan. Karanasan. Kakayahan. Katapatan. Ang mga kumakatawan ba sa ating pagtangkilik ngayong eleksyon ay sumasalamin sa mga katangiang ito? Anong uri ng karanasan ang kanyang dinadala? Ang hugis ng kakayahan ang nasasalamin sa kanila na ating makikilatis sa panahon ng pagpili? Ang
basehan an gating masasaliksik upang makasiguro na sa kaibuturan n gating pagkakakilanlan ay siya na nga ang karapat-dapat na kumatawan sa ating mga simpleng pangarap?

Sa aking pananaw, at ito ay aking buong pagpapakumbabang ipapahayag, ay doon ako sasapi sa mga may solidong katibayan ng karanasang makapaglingkod, kakayahang mangngibabaw sa anumang pagtitipon, at katapatan ng
kalooban na ibuwis ang lahat, masilbihan lamang ang buong pangkalahatan sa higit na lebel ng kabutihan. Sa Kongreso, GV lamang ang katangi-tanging masasalamin ang ganitong uri ng pangangatawan. Purihin ang madlang pipol na siyang paghuhugutan mo ng inspirasyon upang maiangat ang kalidad ng buhay, upang gawing higit na matatag ang kaunlaran ang lungsod na sa maraming pagkakataon ay iyong pinagsilbihan ang serbisyong walang bahid at alinlangan. Gladys Vergara: tahakin mo ang landas at bigyang liwanag ang higit na nakararami sa pamamagitan ng paglilingkod na pinalawak ng karanasan, kakayahan, at katapatan.

Amianan Balita Ngayon