San Fernando City muling binuksan ang renewal ng business permits

Provincial

SIUDAD NG SAN FERNANDO, La Union – Ibinalik ng pamahalaang lungsod dito ang renewal ng business permits para sa taong 2021 simula Lunes, Enero 4. Pinayuhan ang mga kliyente na siguruhin na kumpleto ang mga mahahalagang dokumento para sa mabilis at maayos na proseso.

“Siguraduhing kumpleto ang mga dokumento o requirements bago mag-renew ng business permits at magpunta sa pre-assessment,” sinabi ng city government sa isang advisory.

Kailangang sumunod ang mga negosyante sa ilang requirements gaya ng sworn declaration of gross sales/receipts, individual working permit, health card, valid fire safety inspection certificate na
inisyu ng Bureau of Fire Protection, valid sanitary permit mula sa City Health Office, valid electrical inspection certificate mula sa City Engineering- Electrical Unit.

Samantala ay kailangang magprisinta ang mga food establishment ng food handler’s seminar certificate, health card ng mga workers, at stool exam result at isang valid lease agreement o contract of lease para sa mga negosyo sa mga pag-aari ng Philippine National Railway.

Ang pre-assessment area ay nasa cottage sa harap ng Lion’s Park. Pagkatapos ay kailangang ipila ng mga kliyente ang assessed application sa People’s Hall. Sa pagpila ay magbabayad sila sa City Treasurer’s Office at tutungo sa Dacanay Hall upang kunin ang kanilang mga papeles.

Maaari lamang pumunta ang mga kliyente base sa ibinigay na iskedyul bawat barangay na itinakda ng pamahalaang lungsod upang maiwasan ang pagsisikip ng mga tao.

Ang nasabing schema ay makikita sa ipinost sa official Facebook page ng pamahalaang lungsod.

Ang operasyon ay bukas mula sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para sa mga magrerenew ng apat at pababa na bilang ng business renewal applications habang ang magrerenew ng lima pataas na bilang ng permits ay mula 6:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Isang ‘No Facemask, No Face Shield, No Transaction Policy’ ang mahigpit na ipinapatupad. Isa pa ay inaasahan ng Local Economic and Business Development Office (LEBDO) ang nasa 7,718 business owners ang magrerenew ng kanilang permits nagyong taon.

Samantala ay bubuksan ng lungsod ang aplikasyon para sa nagnanais na magdagdag ng ilang bagong negosyo ngayong taon sa Enero 21.

Ang mga magnenegosyo ay kinakailangang magsumite ng isang duly-accomplished unified application form, isang original o photocopy ng registration mula sa Department of Trade and Industry, isang zoning clearance, business capitalization, occupancy permit, contract of lease kung aplikable, CCTV compliance, fire safety inspection certificate at iba pang mga dokumento na kailangan sa negosyong inaapplyan.

Para sa mga katanungan at klaripikasyon ay maaaring kontakin ng mga kliyente ang LEBDO sa landline (072) 687-8100 loc 150.

CGRC-PIA LU/PMCJr.-ABN