Sasakyan ng magsasaka, ninakawan ng estudyante

Dec 2, 2017

Ninakawan ng estudyante ang sasakyan ng magsasaka bandang 3am ng November 27 sa kahabaan ng Km. 51, Paoay, Atok, Benguet.
Ayon sa imbestigasyon, pilit na ninakaw ang side rear windows, back chair, front lock assembly at shifting handle ng pulang Tamaraw FX ng biktimang si Art Douglag Palcong Angway, 35 anyos, magsasaka, at residente sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Jonathan Naag, kapitbahay ng biktima, narinig niya diumano ang insidente at nakita ang isang lalaking tumakbo patungong timog na direksiyon at binaybay ang kalsada.
Agad niya diumanong ipinaalam sa biktima ang pangyayari at sinundan ang lalaki. Habang naghahanap, nakita ni Naag ang suspek na si Cesar Lecwadey Antonio, 25 anyos, single, estudyante at residente ng Balili, Mankayan, Benguet, na nagtatago sa ilalim ng nakaparadang sasakyan sa kalsada. Hinuli nila ang suspek at tinurn-over sa Atok MPS.
Narekober ang mga ninakaw na items sa loob ng Tamaraw FX ng suspek na may plakang UCP 860 na nakarehistro kay Emelita Davadlla ng San Jose, Navotas.
Ang sasakyan at mga ninakaw na gamit ay dinala sa Atok MPS para sa safe keeping at dokumentasyon. Ang kaso ay iniimbestigahan pa rin.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest