2 sundalo, sugatan sa bagong labanan ng AFP-NPA sa Abra

Naiulat na sugatan ang dalawang sundalo sa bagong labanan sa pagitan ng government forces at communist guerillas sa remote area ng Sitio Pulag, Barangay Danac, Boliney, Abra noong hapon ng November 18.
Subalit itinanggi ni Army Lt. Col. Dominic Baluga, commander of the 24th Infantry Battalion, na wala sinoman sa kaniyang mga tauhan ang nasugatan sa limang-minutong sagupaan bandang 5:10pm ng parehong araw laban sa mga rebelde mula sa Saulo Lumadao Front ng CPP-NPA sa Abra.
Pinanindigan ni “Ka Diego Wadagan”, spokesperson ng Abra-based Agustin Begnalen Command ng CPP-NPA na ang dalawang sundalo ay nasugatan sa maikling labanan na nagnanais “to punish abusive soldiers in Abra acting as protectors of energy projects in Abra like the giant geothermal project in South Abra and the planned Binongan dam in North Abra.”
Ayon kay Baluga, walang nasugatang sundalo o rebelde sa naganap na labanan noong Sabado at isiniwalat na ang mga sundalo ay nasa lugar pa rin para hanapin ang mga rebeldeng NPA na nakipaglaban sa kanila. ACE ALEGRE

Latest News

Amianan Balita Ngayon