SIGALOT SA BENECO KAILANGAN BA TALAGA NG MGA TAGAPAMAGITAN?

Aug 20, 2022

Una nang binatikos ni Mayor Benjamin Magalong ang supresyon o pagpapatigil sa mga pondo ng Beneco ay isang walang-konsensiya at kasuklam-suklam na gawain na makakaapekto sa mga residente ng Baguio. Sinabi niya na habang nakabinbin pa sa korte ang desisyon ay hindi dapat sa anumang paraan makompromiso ang interes at karapatan sa mahusay at maaasahang serbisyo sa mga tao ng Baguio alinsunod sa estado ng Beneco bilang isang gold standard electric cooperative.

Sa nakaraang regular session naman ng Baguio City Council ay inatasan nito ang Committee on Public Utilities, traffic and Transport Legislation na mamagitan sa nagbabanggaang mga kampo ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) para sa posibleng pagkakasundo ng kooperatiba lalo na sa supplier nito na National Grid Corporation (NGCP) upang maiwasang maputol ang suplay ng kuryente na magdudulot ng mga blackout sa mga franchise area nito. Nagdesisyon ang konseho kasunod ang pagpapakita ng dalawang nag-aaway na partido sa matagal ng panahong krisis sa liderato na patuloy na nagdudulot ng pagkalito sa mga member-consumer-owners (MCOs), sa power supplier, NGCP, at mga may- kinauukulang ahensiya ng gobyerno at mga depository bank ng Beneco.

Una dito ay humingi ng tulong sina Beneco GM Engr. Melchor S. Licoben at board chairman Atty. Esteban Somngi sa lokal na gobyerno upang pilitin ang mga depository bank ng Beneco na i-release ang mga frozen funds para mabayaran ang mga obligasyon ng kooperatiba sa mga power supplier at iba pa, upang maiwasan ang pagkakaputol ng kuryente sa Baguio at Benguet.

Ayon kay Licoben ay hindi nakakabayad ang Beneco ng power bill nito sa TEAM Energy ng mahigit PhP30.6 milyon at isa pa, hindi rin ito nakakabayad ng power bill nito noong Mayo na nasa PhP67 milyon. May posibilidad daw na sa susunod na mga buwan ay hindi makakabayad ang Beneco ng power bill nito sa magkakahalaga ng PhP245 milyon buwan-buwan na mag-uudyok sa power supplier na putulin ang suplay ng kuryente ng hahantong sa lubos na pagkawala ng kuryente sa hinaharap. Binigyan ng konseho ang committee ng 30 araw upang tapusin ang pamamagitan kasunod ng pangako ng mga nagbabanggaang partido na handa silang humarap sa “mediation” sa espesipikong isyu kung paano maayos ang obligasyon ng Beneco.

Noong Agosto 6, 1973, ang National Electrification Administration sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 269 ay ginawang isang korporasyon na buong pagmamay-ari at control ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Opisina ng Pangulo. May awtoridad na humiram at corporate powers. Sa Sections 42 and 43, Chapter IV ng NEA decree ay epektibong pinawalang-bisa ang kapangyarihan ng magbigay ng “electric system” franchises mula sa Municipal, City at Provincial governments pabor sa NEA. Bilang gayun, tatanggap din ang korporasyon mula sa mga Electric Cooperative (ECs) ng lahat ng articles of incorporation, amendments, consolidation, merger, conversion and dissolution, at lahat ng certificates of changes sa lokasyon ng principal offices at ng elections to dissolve.

Sa Republic Act 9136 o ang “Electric Power Industry Reform Act of 2001” (EPIRA) ay epektibong pinatawad ang lahat ng pinansiyal na obligasyon ng Electric Cooperatives (ECs) sa NEA at iba pang ahensiya ng gobyerno (na nakamit dahil sa pag-finance Rural Electrification program [REP]) at binalikat ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM). Nag-isyu din noon si dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo ng Executive Order 119 na nag-uutos ng reorganization ng NEA upang mas mapababa ang mga presyo ng kuryente na inaprubahan at ipinatupad ng Department of Energy at Department of Budget.

Ang pagsasabatas ng Republic Act 6939 na lumilikha sa Cooperative Development Authority (CDA) na inamiyendahan ng Republic Act 9520 o ang Philippine Cooperative Code of 2008 ay maaaring nagpahintulot sa mga Electric Cooperatives (ECs) na maging kuwalipikado para sa ilang tax exemptions o magbayad ng mas mababang buwis ngunit nagbunsid din ng ilang katanungan sa hurisdiksiyon ng NEA sa mga kooperatiba ng kuryente.

Ang ilan ay, walang awtonomiya ang pagsasarili at demokratikong kontrol ang mga EC sa mga member-consumers dahil hinihirang ng NEA ang General Manager na maaaring balewalain ang mga polisiyang desisyon ng mga halal ng General Assembly na mga miyembro ng Board of Directors at ang paglipat ng lahat ng di nababayarang mga obligasyon ng mga EC mula sa NEA tungo sa PSALM sa pamamagitan ng EPIRA law ay pinapawi ang basehan ng regulatory at supervisory na kapangyarihan ng NEA gaya ng mga napalawig na mga pagkakautang.

Nang maisabatas ang Republic Act 10531 noong 2013 ay idineklara ang isang tatlong-tiklop na National o State policy: una ay bigyan kapangyarihan at palakasin ang NEA; pangalawa ay bigyan kapangyarihan at gawing nakakaagapay ang mga Electric Cooperatives sa mga pagbabago na dulot ng EPIRA law; at pangatlo upang itaguyod ang napapanatiling pag-unlad sa mga kanayunan sa pamamagitan ng rural electrification.

Hindi maitatatwa ang malaking ambag ng Beneco sa pag-unlad at kung gaano na ito kalaki gayundin ang
mga parangal bilang nangungunang kooperatiba ng kuryente. Sana ay matapos na ang sigalot, makarating sa
tamang mga desisyon at magkaroon ng mas mabuti at angkop na mga batas ukol sa estado ng mga EC at
huwag nang mapulitika ng masyado ang isyu. Kung kinakailangan idulog na ito sa Pangulo ay maaari din
naman upang matuldukan na ang problema.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest