EX BARANGAY CHAIRMAN, NAHAHARAP SA 3 MABIBIGAT NA KASO SA KALINGA

PINUKPUK, Kalinga – Isang dating Barangay Chairman ang kinasuhan ng illegal drugs,illegal logging at illegal possession of ammunitions, makaraang makumpiska ang mga ito sa isinagawang search warrant operation ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay Wagud, Pinukpuk, Kalinga, noong Agosto 16. Sa bisa ng search warrant
na inisyu ni Judge Jerson Angog, ng Branch 25, Regional Trial Court, Bulanao,Tabuk City,Kalinga, ay isinagawa ng
search operation ng mga magkakasanib na tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit,Regional Intelligence
Division at Kalinga Provincial Police Office, na ngasilmula dakong alas 6:30 ng umaga,hanggang alas 11:47 ng
tanghali. Kinilala ang nadakip na si Reynold Sagmayan Gongob,47, negosyante at dating Barangay Chairman ng Bagangay Wagud at nakatira sa Barangay Wagud, Pinukpuk, Kalinga Si Gongob ay kabilang din sa Regional Top Ten on Illegal Drug Personality, na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002); paglabag sa RA10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at paglabag sa Presidential Decree 705 (lllegal logging).

Sinabi ni Col.Peter Tagtag,Jr., provincial director, nakuha sa loob ng bahay ng suspek ang dalawang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 12 grams at may halagang P81,600. Narekober din ang 7 pang small heat-sealed plastic transparent sachets ng shabu na may timbang 2.0 grams at may halagang P13,600.00.

Nakuha din ng mga operatiba sa loob ng bahay ang isang box na naglalaman ng 20 rounds of caliber 7.62 ammunition; one box containing 40 rounds of caliber 5.56 mm ammunition; six pieces of caliber 7.62mm ammunition; 11pieces of caliber 5.56mm ammunition; two pieces of cal .45mm ammunition; four pieces of blasting cap and one small fuse; one gun suppressor; three pieces short magazine for caliber 5.56 one mgazine for caliber .45mm; one piece MI911 A2 Cal.45 pistol case at isang bandolier.

Ayon kay Tagtag, sa bakuran nito ay narekober ang 61 sixty-one pieces of narra flitches; seven molave flitches;
five acacia at one tapol, na may kabuuang board feet flitches na 946.79,na may market value na P106,408.40 at dalawang unit chainsaw, na pawang kaukulang permit.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon