Sual mayor, binatikos ang mga humahadlang sa ikalawang coal power plant

SUAL, PANGASINAN – Binatikos ng mayor ng Sual sa Pangasinan ang grupong humahadlang sa konstruksiyon ng ikalawang coal-fired power plant dito na may nagsasabing maaaring mapolusyon ang kapaligiran ng lugar.
Hinamon ni Sual Mayor Roberto Arcinue ang Save Sual Movement upang patunayan ang kanilang alegasyon na ang kasalukuyang Sual coal-fired power plant ay pinupolusyon ang kalapit lugar.
Ang planta ay matatagpuan sa Barangay Pangascasan at lumilikha ng 1,200 megawatts ng power para sa Luzon Grid.
Ang iminumungkahing ikalawang power plant sa Sual ay itatayo sa Baquioen Bay sa loob ng Lingayen Gulf at magbibigay ng 1,000 megawatts capacity.
Sabi ng mayor, ang Save Sual Movement ay walang ebidensiya o dokumento upang patunayan ang kanilang alegasyon na ang kasalukuyang Sual coal-fired power plants ay nagiging sanhi ng polusyon.
“If there is really pollution, how come fish thrive in hundreds of fish cages beside the power plant,” ani Arcinue sa isang press statement.
Ang bayan ng Sual ay may halos 75 world-class fish cages na matatagpuan sa Sual Bay malapit sa power plant na pinagmumulan ng halos 60 metric tons ng bangus araw-araw na ibinebenta sa major fish markets sa Metro Mahila.
Sinabi pa niya na sa Barangay Pangascasan, ang mga magsasaka ay nagtatamasa ng magandang ani ng palay at gulay na may average mula 80-120 sakong palay kada ektarya.
“Where is the pollution they are saying?” tanong ni Arcinue.
Idiniin ni Arcinue na ang mga tax na nakokolekta mula sa pagpapatakbo ng power plant ay natulungan ang munisipalidad upang maging first class town mula sa pagiging fourth class noon.
“Because of these taxes the municipal government was able to implement various development programs and projects that have improved the lives of the people of the town,” aniya.
Dagdag pa ng mayor, daan-daan sa mga residente ang nabigyan ng trabaho sa naturang planta.
Kumpiyansa ang mayor na sa pagpapatayo ng panibagong coal-fired power plant sa Barangay Baquioen, maraming development programs at proyekto ang susundan ng municipal na pamahalaan na tiyak na pakikinabangan ng mga residente ng Sual. PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon