Isang Sudanese national ang inireklamo sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Baguio City Police Office dahil sa paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1997).
Kinilala ang suspek na si Awad Ali Yousif Awad, 23, isang Sudanese at residente ng BPI Compound, Dangwa St., Guisad, Baguio City habang ang nagreklamo ay isang 21 anyos na customer service representative ng Sitel, Loakan, Baguio City at residente ng Bonifacio St. Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon ay nagkaroon ng inuman sina Mamaril, Awad at isang kaibigan na kinilalang si Mustafa Adil Mustafa sa isang bar sa Kisad Road, Baguio City noong Disyembre 23, 2018 at matapos ang inuman ay nagtungo ang suspek at biktima sa bahay ng suspek at nang nasa loob ng
kuwarto ng suspek si Mamaril ay isinara ni Awad ang pintuan at pinuwersa niya ang biktima na sumiping sa kaniya. Nagpumiglas ang biktima subalit nagawang hubaran siya ng suspek at gahasahin. Nangyari ang diumanoy’ panggagahasa sa pagitan ng ika-3 at ika-4 ng umaga ng Disyembre 23.
Isang follow-up operation ang isinagawa ng personnel ng WCPD, BCPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at ang kaso ay nakahanda na sa isang inquest proceedings.
January 10, 2019
January 10, 2019
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025