Sundalo kinasuhan ng murder sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Sinampahan ng kasong murder at frustrated murder ang isang miyembro ng Philippine Army, na bumaril at nakapatay sa kamag-anak at bodyguard ni Governor Ferdinand Tubban at ikinasugat pa ng isang empleyado, na naganap noong Pebrero 15 sa Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Nabatid kay Tabuk City Police Station Chief Radino Belly, ang suspek na si Corporal Denmark Baddongon, ng Naneng, Tabuk City at miyembro ng 503rd Brigade ng Philippine Army ay nakakulong ngayon sa Tabuk City PS.
Ayon kay Radino, si Banddongon ay tumakas matapos ang pamamaril at nagtago sa kanyang kasamahan at sumuko kinabukasan. Sa imbestigasyon, pumunta ang suspek sa lugar na armado ng baril at kinompronta ang biktimang si Denver Sangdaan Tubban, 40, ng Purok 1, Bulanao, Tabuk City, Kalinga, para sa reimburse ng kanyang P2,000.
Sa gitna ng konprontasyon, nagpapaputok ng baril ang suspek sa ground. Papalapit na inaawat ni Tubban ang suspek, subalit bago pa man makarating sa gate mula sa bahay ay pinagbabaril na siya at tinamaan sa leeg,dibdib at ibaba-taas ng katawan nito.
Pinagbabaril din umano ng suspek si Jenner Bananao Ewad, 34, employee ng Kalinga Provincial Capitol,nang magtanka itong lapitan si Tubban na nakabuglata.
Sa pag-responde ng pulisya, agad na isinugod si Tubban sa Kalinga Provincial Hospital, subalit makalipas ang ilang minute ay namatay ito, samantalang ay nasa stable condition na sa Almora General Hospital.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon