Tanggapan ng LTO at LTFRB, hiwalay na

Mar 2, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Epektibo na ang hiwalayan ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising Regulatory Board sa rehiyon ng Cordillera noong ika-1 ng Marso 2018.
Kaugnay ito sa pagbisita nina LTO Asec. Edgar Galvante, LTFRB board member Aileen Lizada at Usec. Tim Orbus ng Department of Transportation- CAR  noong Pebrero 22, 2018 upang ipaalam ang Department Order No. 2018-003 na pinirmahan ni Sec. Arthur P. Tugade kung saan magkakaroon ng hiwalay na panrehiyong tanggapan, badyet, at kagawaran ng departamento ang LTO at LTFRB.
Ito ay pagtugon sa dumaraming transaksyon, isyu at mga alalahanin na hindi na kayang tutukan ng iisang departamento, upang makamit nang husto ang mga utos at layunin nito.
Ayon kay DoTr-CAR Assistant Regional Director-Mohammad Nasser Abbas, magdudulot ito ng magandang pagbabago dahil mas matututukan na ng maayos ang kanya-kanyang trabaho. Dagdag pa niya, magbubukas ito ng opurtunidad sa mga gustong magtrabaho dahil may mahigit 50 bakanteng posisyon ang pwedeng aplayan.
Pansamantalang mananatili sa kanilang mga posisyon ang dating nakatalagang opisyal habang inaantay ang desisyon ng LTO Chief/ LTFRB Chairman para sa mga itatalagang mamumuno dito. Ang LTO-CAR at LTFRB- CAR ay pamumunuan ng bawat isang Regional Director na tutulungan ng Assistant Regional Director.  KRISTINE MAE L. PASYAN, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest