Tatlo arestado sa droga sa Cordillera

Mar 10, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Tatlong lalaki ang inaresto ng mga pulis dahil sa droga sa Kalinga kamakailan, kabilang ang dalawa mula sa Baguio City na bumibili ng marijuana sa bayan ng Tinglayan.
Naaresto ng Lubuagan pulis si Dongga-as Rex Gaspi, 25, mula Brgy. Antonio Canao sa nasabing bayan noong Marso 4 kahit sinubukan pa nitong tumakas sa checkpoint sa kahabaan ng national road sa Ayawon, barangay Mabilong.
Ayon sa mga otoridad, kasama ni Gaspi ang dalawa pa na nakasakay sa isang motorsiklo at naiulat na nagpaputok ng baril.
Hinabol ng mga otoridad ang tatlo ngunit si Gaspi lamang ang nakorner.
Nakuha sa suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng shabu na may bigat na 5gramo, isang Remington 1911 caliber 45 pistol, magazine na may dalawang bala, dalawang spent shells, wallet na may lamang P14,000 at isa pang cash na P1,250 na nakasiksik sa shirt nito.
Samantala, noong Marso 10 ay nahuli ang dalawang residente ng Baguio na bumibili ng marijuana sa Sitio Mal-o, Barangay Bugnay, Tinglayan.
Nakita ng government agent sina Jeremy Miranda Ona, 24, mula Gibraltar Road, Baguio City at Stephen Job Oyga Blanco, 19, ng Balacbac Road, parehong lungsod, na bumibili ng tuyong dahon ng marijuana sa barangay Proper Butbut, Tinglayan.
Matapos makuha ang mga illegal na kalakal, sumakay ang dalawa sa isang jeepney papuntang Bontoc, Mt. Province.
Agad na hinuli ng mga otoridad ang dalawa na nakapkapan ng tatlong piraso ng tuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa brown packing tape na may bigat na 2.35 kilograms at nagkakahalaga ng P293,750.
Ang tatlong suspek ay nahaharap sa illegal drug charges at karagdagang illegal possession of firearms na kaso laban kay Gaspi. AALEGRE

RELATED POSTS

PSBRC

PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga...

TULONG MEDICAL

TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan,...

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest