Tatlong motorsiklo, nagkarambola sa La Union

Mar 17, 2018

AGOO, LA UNION – Tatlo ang sugatan nang magbanggaan ang tatlong motorsiklo sa Mc Arthur highway sa San Jose Sur, Agoo, La Union noong Marso 12 (Lunes), bandang 4:50 ng hapon.
Kinilala ang mga driver ng motor na sina Dexter Steve Baleroy (30), Johnny Calilim Dela Cruz (40), at Michael John Aspiras (31).
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng tatlong motor ang Mc Arthur Highway patungong norte nang magsabay na mag-overtake ang motor na minamaneho ni Dela Cruz at ni Aspiras. Natabig ng motor ni Aspiras ang motor ni dela Cruz na siya namang bumangga sa nasa unahang motor na minamaneho ni Baleroy. Gumulong-gulong ang tatlong motor sa daan.
Isinugod sa ospital ang angkas ni Dela Cruz na si Mailyn Dela Cruz (47), na kritikal ang kalagayan ngayon sa Ilocos Training and Regional Medical Center.
Kapwa nagpapagaling ngayon sa La Union Medical Center sina Dela Cruz at Aspiras, na parehong residente ng Lomboy, Sto. Tomas, La Union, samantalang walang tinamong galos si Baleroy na taga Sta. Lucia, Aringay, La Union.
Bukod sa walang plaka ang mga motor na minamaneho nina Baleroy at Aspiras ay wala pang karagdagang ipapataw na kaso habang umuusad ang imbestigasyon.
Itinuturing na accident prone area ang lugar kung saan naganap din ang malagim na aksidenteng sangkot ang isang jeep at pampasaherong bus noong nakaraang Pasko kung saan 20 ang namatay. Hindi naman nagkulang ng paalala ang awtoridad sa dami ng mga karatula sa gilid ng kalsada. CHRISTIAN JASTINE V. MENDOZA, UC Intern

RELATED POSTS

PSBRC

PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga...

TULONG MEDICAL

TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan,...

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest