BAGUIO CITY
Nagsagawa ng libreng Travel and Business Consultation sa publiko ang University of Baguio – Research Innovation Extension and Community Outreach (RIECO), na ginanap sa Malcolm Square noong Pebrero 22. Alinsunod sa pagdiriwang ng ika-75th Founding Anniversary ng nasabing unibersidad, ang programang ito ay nagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga residente ng Baguio City at mas patatagin pa ang Community Engagement and Social
Responsibility.
Sa tulong ng mga eksperto, layon ng programang ito na magbigay aral, tulong, at payo sa mga taong nangangailangan sa iba’t ibang larangan gaya na negosyo, turismo, konsultasyong legal, at iba pa. “Itong project na ito ay initiative ni President kasi diba 75 years na ang UB, so ang sabi ni President Javy na magorganize ang school ng program for extension program that will leave an impact sa community, hindi lang ‘yong adopted Barangays ng UB, but sa buong Baguio,” ani Jonald Aglosolos, University of Baguio – Finance Department.
Mula Enero hanggang Mayo ng naturang taon, ay ibaibang programa ang handog ng nasabing unibersidad, gaya na
lamang ng nagdaang buwan kung saan naglunsad naman sila ng Medical and Dental Mission sa Baguio Melvin
Jones. Ayon pa kay Aglosolos, bawat buwan ay may iba’t ibang cluster kung saan ang mga programang ilalatag ay iuugnay sa kung ano ang gaganapin ng naturang buwan.
Karamihan nga sa mga nagpakonsulta kaninang umaga ay mga patungkol sa negosyo kung saan ay ilan ay nagbabalak na magsimula ng kanilang mga businesses. Bukod sa Travel and Business Consultation, nag-aalok din sila ng libreng Legal Concern at Taxation Consultation kung saan mga abogado ng nasabing unibersidad ang magbibigay payo sa publiko. Taos-puso namang nagagalak ang pamunuan ng nasabing unibersidad sa mga taong sumuporta at sumubaybay sa kanilang programa at sana sa mga susunod na aktibidad, ay patuloy pa rin itong daluhan ng mga residente ng Baguio. Sa darating na Marso, inihahanda na ng University of Baguio ang susunod na kanilang extension programs na muling bubuksan para sa publiko.
Valerie Ann E. Dismaya/UB-Intern
February 24, 2024
February 24, 2024
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 19, 2025