BAGUO CITY – Isang 11 year old student ang nailigtas matapos kidnapin ng isang vendor at itinago sa kanyang bahay noong Biyernes, sa Kilometer 3, Asin Road, siyudad na ito.
Kinilala ni City Director Police Colonel Allen Rae Co, ang nadakip na si Sammy Nonog Pacle,27, vendor, tubong Naguillian, La Union at nakatira sa nasabing lugar.
Napag-alaman na ang suspek ay may standing warrant of arrest sa kasong rape na walang piyansa sa Bauang,La Union.
Ayon kay Co, nag-report sa BCPO Station 7 dakong alas 9:00 ng gabi ng Pebrero 27 ang mga magulang na ang kanilang babaeng anak ay nawawala at agad nagsagawa ng follow-up investigation ang pulisya.
Batunton sa pamamagitan ng CCTV footage na ang biktima ay kasama ng suspek habang naglalakad sa may overpass ng Maharlika patungo s Abanao St at sumakay ng taxi.
Ipinakita ng imbestigador ang CCTV footage sa mga vendor sa Baguio City Public Market at nalaman ang pagkakakilanlan at tirahan nito.
Agad na sumalakay ang pulisya sa nasabing lugar at nadatnan ang suspek kasama ang biktima sa loob ng bahay. Agad na dinala sa hospital ang biktima para sa medical examinantion, na sinasabing siya ay inabuso.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, napasama ang biktima sa suspek nang pagbantaan siyang papatayin kapag nag-ingay at hindi sumama.
Ang kasong kidnapping,illegal detention with rape and rape thru sexual assault ay isinampa ng pulisya sa prosecutor office dakong alas 9:00 ng Pebrero 28.
Zaldy Comanda/ABN
March 2, 2020
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025