“Lang-ay” Festival ng Mountain Province kinansela

Mt. Province – Nagdesisyon ang mga organizers ng “Lang-ay” Festival sa Mountain Province na kanselahin ang grandiyosong pista dahil sab anta ng COVID-19.

Ang “Lang-ay” na ibig sabihin ay “pagsama-sama bilang isang komunidad” ay nasa ika-16 na taong pagtatanghal na sana.

Nagdesisyon ang organizing committee na kanselahin ang grandiyosong pagsasaya, katutubong pagsasayaw at parada sa kalsada kun saan lahat ng mga kalahok mula sa buong Mountain Province ay suot ang kani-kanilang mga katutubong kasuotan.

Isang pagpupulong at konsultasyon ang isinagawa sa Bontoc Provincial Capitol para kapisahan na dapat sana’y nag-umpisa noong Miyerkoles (Pebrero 26) kung saan isinaalang-alang din ng mga organizer ang ibang bayan sa probinsiya na kinansela o binawasan ang mga aktibidad ng kanilang mga pista ng bayan dahil sa takot sa COVID-19.

Nauna ng inirekomenda ni Provincial Health Board sa pangunguna ni Governor Bonifacio Lacwasen na mas mabuting kanselahin na ang kapistahan sa taong ito.

Ayon sa Mountain Province Public Information Office, ang selebrasyon ng foundation day ng Mt. Province ay itutuloy pa rin subalit sa isang simpleng seremonya na lamang.

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) Cordillera na wala pang kaso ng COVID-19 ang rehiyon. Gayunman, pinaalalahanan ni DOH Cordillera Regional Director Amelita Pangilinan ang publiko na kahit hindi ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga pista o iba pang dinadagsa ng maraming tao na mga aktibidad ay kailangang mag-ingat at iwasang pumunta sa mga lugar na may maraming tao.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon