Narvacan, Ilocos Sur – Ang mga opisyal ng limang barangay sa baybayin ng West Philippines Sea sa Narvacan, locos Sur ay sumumpang walang black sand mining operations sa kanilang mga nasasakupan.
Pinatunayan ni Melchor Baptista, barangay chairman ng Pantoc na siya kasama ang mga opisyal ng barangay ay “hindi papayagan ang sinuman na magsagawa ng pagmimina ng black sand sa kahabaan ng dalampasigan ng kanilang hurisdiksiyon.” Habang si Punong Barangay Wendell Viloria ng Barangay Turod ay nanumpa ring “walang anumang (black sand mining) ang napapansin.”
Pinasunalingan naman ni Barangay Bulanos chairman Charlesto Cadano ang anumang magnetite mining operation sa kanilang lugar. Gayundin, nanumpa rin sina Barangay Chairman Cecilia Bedar ng Sulvec at Barangay Chairman Ernie Molina ng Barangay San Pedro na walang magnetite mining operations sa kanilang nasasakupan. Ang mga sertipikasyon ay inilabas umaga ng Miyerkoles (Disyembre 9) sa gitna ng ingay sa social media tungkol sa umano’y pagbabalik ng black sand mining operations sa Ilocos Sur, partikular sa kahabaan ng baybayin ng mga
barangay sa bayan ng Narvacan.
Subalit binalewala ni Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson ang ingay bilang “gawain ng maiingay na tao” na hindi matanggap ang kanilang pagkatalo sa nakaraang lokal na eleksiyon. “Pammadpadakes da lang kanyami dayta manen” (paninira uli nila sa amin yan).
Ang mga sertipikasyon ng mga opisyal ng mga barangay sa baybayin ay nagsalita sa kanilang sarili lamang, giit ng mayor ng bayan.
Nauna dito bago ang halalan noong 2019, ang noo’y Sangguniang Bayan Memner Singson ay muling itinanggi ang mga alegasyon ng black sand mining operations sa Narvacan, na diumano’y ibinabato sa kaniyang kampo na siyang nasa likos ng operasyon. Ayaw ni Gov. Ryan (Singson) yun, kaniyang anak, pagdiriin ng mas matandang Singson.
Sa halip, si Singson na binalingan ang mga kumakalaban sa kaniyang administrasyon ay sinabing ang mga isyu ng black sand mining mining sa panahon ng kaniyang termino sa Narvacan ay isang pagtatakip lamang sa multi-million seawall project sa barangay San Pedro na pinondohan ni Rep. Eric Singson, Gov. Ryan at ng DPWH na pumalpak.
Nangako si Mayor Singson na hihilingin niya sa korte na parusahan ang mga nagkakalat ng tismis at nangakong hahabulin ang mga pinagmumulan ng maling impormasyon laban sa kaniyang administrasyon.
Noong 2008 ay napaulat na nagmimina ang mga kompanyang Intsik ng magnetite sa Sulvec, narvacan at kalapit na mga bayan. Sinira ng NBI– National Office (NBI), Department of Justice (DoJ), Department of Environment and Natural Resources- Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB), PNP, Philippine Navy, Coastguards, Commission on Human Rights (CHR) Region 1 at Bureau of Immigration noong Agosto 2013 ang mining facilities sa mga bayan ng Caoayan, Sta. Catalina at San Vicente.
Ito ay kasunod ng hindi sinunod na Cease and Desist Order (CDO) ng MGB Region 1 na napatunayang lahat ng black sand mining sa Ilocos ay iligal.
AAD/PMCJr.-ABN
December 12, 2020
December 12, 2020