Pulis sa Kordilyera naka-alerto sa kapaskuhan

CAMP DANGWA, La Trinidad, Benguet – Mahigoit na babantayan ng kapulisan ng Cordillera ang mga boarder ng rehiyon sa posibleng pag-atake ng mga miyembro ng New Peoples Army sa Kapaskuhan ng taong ito matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na “no holiday truce” sa pagitan ng mga rebelde sa buwang ito ng Disyembre. Ito ang naging pahayag ni P/Brig.Gen. R’win Pagkalinawan ng regional director ng Police Regional Office-Cordillera sa isinagawang press conference sa Camp Dangwa noong Miyerkules na kung saan ay sinabi niyang patuloy ang
isasagawang foot patrol sa mga boundary ng Cordillera ito ay upang masawata ang posibleng pangugulo ng mga rebelde sa darating na kapaskuhan.
“Ginagamit lang ng maka kaliwang grupo ang truce para magpalakas ng pwersa kaya maganda at hindi nagdeclare ang ating Pangulo “, ani Pagkalinawan. Lahat ng aniya ng mga miyembro ng PRO-COR ay isasailalim sa “ heightened alert” sa buwang ito upang bigyan ng kaligtasan ang kommunidad laban sa mga rebeldeng ito .
Patuloy aniya ang kanilang isasagawang “police checkpoint” sa lahat ng “entrance at “exit sa Cordillera rehiyon upang masiguro na maayos ang peace and order ng mamamayan. Subalit muli siyang nanawagan sa komyunidad na ang kapayapaan at katiwasayan ng rehiyon ay nakasalalay sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan . Aniya dapat din umanong maging alerto ang mga tao sa kanilang kapaligiran at kung mayroong mga taong kahinahinala ang kilos at itsura ay agad na ipagbigay alam sa kapulisan.
Idinagdag pa ni Pagkalinawan na halos 100 na ang mga sumukong rebelde sa taong ito na kung saan ay nagbalik loob sa pamahalaan bunga ng kanilang hirap sa kabundukan at inaasahan pa nila na marami pa ang manunumbalik sa gobyerno dahil sa maayos na programa ng gobyerno para sa lahat ng sumukong rebelde.
Samantala pinayuhan ni Pagkalinawan ang lahat ng pulis sa PRO-COR na magdala lagi ng baril kahit na hindi ito mga naka duty ito ay upang mabigyan nila ng suporta ang kanilang sarili sa oras ng panganib .
“Paano kung mayroong huldapan o nakawan tapos walang baril ang pulis natin paano niya huhulihin o lalabanan ang mga armadong criminal”, ani Pagkalinawan.
PNA/ThomPicana/ABN

Amianan Balita Ngayon