War on drugs, sayang – Domogan

LUNGSOD NG BAGUIO- Ipinahayag ni Mayor Mauricio Domogan ang kanyang panghihinayang sa pagka-udlot ng mga operasyon laban sa droga sa ilalim ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ng mayor sa kanyang lingguhang Ugnayan na nasasayangan siya sa hindi pagtuloy ng kampanya ng pulis kontra sa ipinagbabawal na gamot  dahil napakarami na ang surenderees.
Dagdag niya, kamakailan lamang ay nagtapos na ang first batch of surenderees sa rehabilitation center, at ngayon ay may kabuhayan na.
Malaking problema, ani ni Domogan, ang paglipat ng otoridad ng operasyon Tokhang sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa 1,500 lang ang manpower ng ahensya sa buong bansa.
Labing-siyam pang mga barangay ang kailangang linisin sa iligal na droga sa siyudad ng Baguio bago ito maideklarang drug-free. Nakikipagtulungan ngayon ang lokal na pamahalaan sa PNP upang gumawa ng mga istratehiya kung paano ito sosolusyunan.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR), apat na probinsya ng Apayao, Mountain Province, Kalinga at Ifugao ang naideklara nang drug-free. Noreen D. Cruz, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon