BAUANG, LA UNION – Namatay ang isang babae habang pito pang katao ang nasugatan matapos na ang kanilang sinasakyang tricycle ay binangga ng bus dakong 5:30 ng madaling araw ng Marso 29, 2017 sa national highway sa Barangay Dili, bayang ito.
Kinilala ni Chief Inspector Joel Lagto, police chief, ang namatay na si Bernaliza Benitez, 28, residente ng Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union.
Idineklarang dead upon arrival si Benitez sa Ilocos Training and Regional Medical Center bunsod ng malalang pinsala sa kanyang ulo at katawan. Dito rin dinala upang magamot ang iba pang nasugatan.
Sa imbestigasyon, ang tricycle (6722 ZJ) na minamaneho ni Bernardo Benitez, 48, ay patimog ang direksyon nang mabangga ito ng kasalubong na mini-bus (TGI 680) na minamaneho ni Roberto Nuñez, 44, residente ng Palintokang, Bauang, La Union.
Ayon sa isang nakasaksing residente, matulin ang takbo ng bus nang mabunggo nito ang kaliwang bahagi ng tricycle kung saan nakaupo ang biktima.
Ang bus driver na dinala sa Bauang police station ay haharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries, and damage to property. Erwin Beleo
April 8, 2017
April 8, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025