2 bahay sa Sagada, tinupok ng apoy

SAGADA, MT. PROVINCE – Tinupok ng apoy ang dalawang bahay sa Sagada, Mountain Province dakong 8:30pm ng Nobyembre 8, 2018.
Ayon sa ulat ng Sagada police, nakarinig sila ng pagsabog sa dako ng Sitio Batalao, Antadao, at agad silang rumesponde.
Dito ay nakita nila ang dalawang bahay ni Wilson Capuyan na tinupok ng apaoy. Isa sa mga bahay ang nasa sakop ng Sitio Kiltepan, Kilong, Sagada
Nagtulungan ang mga pulis at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Besao upang maapula ang apoy. Naideklara ang fire out dakong 11:55pm.
Sa isinagawang inspeksyon sa lugar at sa hindi nasunog na mga kubo ay nakita ang isang plastic cup na puno ng gasolina.
Hindi pa malaman ang halaga ng nasunog at iniimbestigahan pa ang dahilan ng sunog.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon