Mga gamit pampasabog ng mga minero, isinuko sa Benguet

ITOGON, BENGUET – Isinuko sa awtoridad ang ilang narekober na mga gamit na pampasabog mula sa mga inabandonang shanty na dating inookupa ng mga small scale miners sa First Gate, Ucab, Itogon, Benguet.
Ang turn-over ay naganap dakong 9:30am ng Nobyembre 7, 2018 sa pangunguna ng mga miyembro ng demolition team ng Benguet Corporation na pinamumunuan ni Rex L. Calde, assistant unit manager ng Claims Department.
Sa pagpapatupad ng demolition ng mga illegal structures ay nakuha ng team ang apat na kalahating piraso ng Emulsion Explosives Nitro EM 1500 (dynamite) na may batch numbers 4424622.
Ang mga naturang pampasabog ay nasa kustodiya na ng Itogon police bago i-turnover sa Police Regional Office Cordillera-Explosive Ordnance Disposal (EOD).

Amianan Balita Ngayon