Tatlong magsasaka ang pinagbabaril sa Barangay Gumot, Rosario, La Union noong umaga ng Marso 8. Kinilala ang mga biktima na sina Vicente Paneda Buyan, 52; Glenn Paneda Buyan, 27; at Christopher Buyan Montero,42, pawang residente ng nasabing lugar. Kinilala ang suspek sa pamamaril na si Reynante Ramos Galera, retiradong sundalo. Dinala sa Rosario District Hospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival si Christopher ng mga doctor samantalang inilipat naman si Glenn sa ITRMC, San Fernando City, La Union. Sa follow-up operation na isinagawa ng Rosario PS ay nagresulta sa pagkakahuli kay Reynante at narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 fired cartridges ng 12 gauge shotgun at 1 live ammo.
March 11, 2017
March 11, 2017
October 10, 2022
October 2, 2022
September 10, 2022
September 10, 2022
August 20, 2022
August 20, 2022