3 sasakyan nagkarambola sa Benguet

Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa Badiwan, Poblacion, Marcos Highway, Tuba, Benguet bandang 5:49 ng umaga noong Enero 2, 2019. Napag-alaman sa imbestigasyon na ang mga sangkot sa aksidente ay isang Isuzu Flexi Truck na may plakang ABR 3679 na nakarehistro sa Organo Gold International Corporation at minamaneho ni Oscar Austria Soriano, Toyota Innova na may conduction sticker YY 8203 na pag-aari ni Ma Lourdes Pahimayan Dela Cruz at isang Toyota Innova na may conduction sticker YU 1514 na minamaneho ni Christian Nichol Pangilinan Abana.
Sa panayam sa driver ng Isuzu truck ay sinabi niyang pababa siya sa lugar ng aksidente nang mawalan ng preno ang minamaneho niyang sasakyan at mawalan siya ng control dito at nabundol ang huliang bahagi ng nakaparadang Toyota Innova YY 8203 sa kanang bahagi ng daan. Sa tuloy-tuloy na pagragasa ng Isuzu truck ay nabangga nito ang paakyat namang Toyota Innova YU 1514. Dahil sa banggaan ay nagkaroon ng sira ang mga sasakyan na hindi pa malaman ang halaga habang ang isang pasahero ng Toyota Innova YY 8203 na kinilalang si Leandro Soliven Torres, 28, may-asawa, isang seaman at ang driver ng Isuzu Truck ay nasugatan at itinakbo sa Baguio General Hospital ng mga rumespondeng EMS ng Tuba at Baguio para sa kaukulang gamutan.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon