Lolo patay sa hit and run sa Mt. Province

Isang lolo ang biktima ng hit and run sa sitio Tongtong Bawi, Guinzadan Sur, Bauko sa kahabaan ng Maba-ay Abatan, Bauko Provincial road bandang alas tres ng umaga ng Enero 1, 2019. Kinilala ang biktima na si Gaspar Kiao Ngalatan, 59, at residente ng Guinzadan Bauko, Mountain Province.
Ayon sa imbestigasyon ay nagkaroon ng inuman ang biktima at mga kasamahan sa nasabing lugar at umalis ang biktima bandang alas dos ng umaga.
Nakita ang biktima na nakahandusay sa daan humigit kumulang 50 metros ang layo kung saan sila nag-inuman ni Roland Graciros na ipinagbigay-alam naman kay Bruce Bastian at agad dinala ang biktima sa Luis Hora Memorial Hospital subalit idineklara itong patay ng doctor bandang 3:35 ng umaga ng parehong araw.

Amianan Balita Ngayon