Abra idineklarang election hotspot Seguridad pinaiigting sa lalawigan

BANGUED, Abra — Idineklara ng tanggapan ng Commission on Elections ang lalawigan ng Abra bilang “election hotspot” dahil sa mga naganap na karahasan sa mga nagdaang buwan bago pa man sumapit ang halalan sa Mayo 13, 2019.
Ang deklarasyong ito ay ipinahayag ni COMELEC-CAR assistant director Vanessa Roncal noong Marso 19, 2019 kung saan ang lalawigan ng Abra ay isasailalim sa pamamahala ng COMELEC.
Ani Roncal, “The Comelec declared the whole province as a hot spot under category red, as carried by Resolution 105-10”. Aniya natanggap niya mula sa central office ang nasabing deklarasyon kasabay ng kanyang relieved order noong nakaraang lingo.
Ipinaliwanag ni Roncal naang category red “is the highest in the hierarchy of the declaration of an area as a hotspot,” na ang ibig sabihin ay ang lalawigan ay isasailalim sa pamamahala ng COMELEC at ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na magsisilbing tagapamayapa sa lalawigan habang nasa ilalim ng isinasagawang eleksyon.
Magsasagawa rin ng mga COMELEC checkpoint ang mga awtoridad sa lahat ng mga lansangan.
Ito ay upang masiguro ang peace and order sa lalawigan. Ani Roncal, sa ilalim ng Commission ay maaring magsaawa ng pagbalasa sa mga awtoridad na maaaring may kinakatigang pulitiko at maging sa pangkapayapaan at seguridad ng bayan.
Kapag ang isang bayan o lalawigan ay idineklarang “election hotspot”, ito ay nangangahulugan na tinatawag na “motu proprio” (on its own) na kung saan ay kontrolado ito ng Comelec.
Ang isang lugar ay idinedeklarang “ hotspot “ kapag ito ay nakakakitaan ng karahasan at tensyon na kung saan ay rekomendado ng ibat-ibang ahensya ng “law enforcement agencies” na base na rin sa “historical mark” sa mga nakaraang eleksyon sa nasabing lalawigan.
Samantala, umuugong na rin ang mga balita sa lalawigang ito na talamak na ang ginagawang “vote-buying”, di umano ng mga ilang pulitika sa mga nakaraang buwan at inaasahang magiging lantaran na ito sa pagsisimula ng kampanya sa Marso 30, 2019.
Matatandaan na dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Abra noong Marso 5, 2019 upang ikampanya ang kanyang mga kandidato sa PDP-Laban, kung saan nanawagan ang pangulo sa mapayapang halalan sa darating na Mayo.
Itinalaga naman ang dating Election Officer ng Baguio City na si John Paul Martin sa bayan ng Bangued noong nakaraang Martes. Aniya, “I will convene all stakeholders next week to explain the resolution declaring Abra as a hotspot. That is what we will do to make the public understand the implication of the declaration”.
Bukod kay Martin inilagay di si Dexter Cawis bilang Abra provincial election officer, kapalit ni Roncal na nanilbihang provincial officer ng ilang taon.
May mga ilang Abrenos ang nagtaka sa nangyaring deklarasyon ng COMELEC dahil anila noong nakaraang national election ay hindi naman ito idineklarang election hotspot kundi “area of concern” lamang.
Pananaw naman ni Former Peñarrubia town mayor Antonio Domes-ag, sa panayam sa kanya ng mga local journalists, sinabi niya na “that with the Comelec order, there is an “aura of neutrality” in Abra, which will be good for everyone in the province”.
Idinagdag pa ni Domes-ag na,”It is good because the perceived hot-headedness of people may be controlled and the perception of biases will be lessened, if not removed”.
Ayon pa sa dating alkalde, mainam na idineklara ang Abra na election hotspot dahil magkakaroon ng “neutrality” na magkakaroon ng maayos na palakad sa peace and order sa Abra.
 
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon