Author: Amianan Balita Ngayon

“BOY POWERFUL” OFFICIAL, SAKSAKAN NG KAPAL?

Ang bansag sa kanya’y “Boy Chopper” at “Boy S.O.P” ng Senado dahil napakalapad (hindi lang bumbunan) ang papel nya dahil “kanang-kamay” daw siya ni Senate official. Mismong personal na tagaasikaso at taga-monitor kasi itong si “Boy Chopper o Boy SOP” sa mga proyektong isinusulong ng tanggapan ni Senate official. Napakalaki kasi ang mga proyektong mino-monitor […]

“INTELLIGENCE AGENT, KUBRADOR NG ‘INTELIHENSYA’ NG REGION 1 PNP?”

Pulis mismo, kung hindi nagkakamali’y, isang Senior Police Officer 1 (SPO1), ang napapaulat na magaling na kubrador ng Ilocos Region police sa ‘intelihensiya’ (SOP o protection money) mula sa Peryahan-sugalan (Pergalan) sa buong Rehiyong Uno. Kasabwat niya si “SPO1 MJ” na isa ring aktibong pulis kung saan minana ni “SPO1” ang posisyon kamakailan lamang matapos […]

“MAS ASTIG KAY SENATOR BATO ANG PERGALAN SA REGION 1”

Binastos ng mga nagpapasugal sa payong na rin marahil ng otoridad sa Region 1, mula Pangasinan hanggang Ilocos Norte, ang pakiusap ni Senator Bato dela Rosa na itigil na ang mga pergalan (peryahansugalan) matapos ang kamakailang pagdinig ng Senate Committee on Peace and Order and Illegal Drugs. Dahil ayon sa Komite na pinamumunuan ni Senator […]

“INILILIGAW NG APEX MINING ANG PANANAGUTAN NITO SA TAUMBAYAN AT KALIKASAN”

Direkta o hindi, hindi mapukaw sa isipan ng taumbayan ang pananagutan ng Apex Mining Corporation sa trahedya kung saan lagpas isang dosenang namatay habang nawawala pa rin ang higit 100 katao nang gumuho ang malaking tipak ng lupa sa Maco, Davao de Oro. Karamihan pa naman ay mga manggagawa ng Apex Mining. Mariing hinihintay ng […]

“MR. R. IBASAN, PERGALAN KING NG PANGASINAN”

Nagngangalang “Mr. R. Ibasan” ang tinaguriang “Pergalan King” ng Pangasinan. Kung si Mr. T, ang “Pergalan King” ng La Union ay walang pakundangang nagooperate ng mga peryahang may sugalan sa Tubao, Agoo, Rosario, Sto. Tomas, Burgos at San Juan, si Mr. R Ibasan nama’y walang tinag na nagpapasugal naman sa mga bayan ng Alaminos, Bugallon, […]

“E-SABONG TULOY PA RIN”

Nananatiling binabalahura ang kautusan ni Pangulong BBM na bawal ang electronic sabong o e-sabong sa bansa. Ang masama nito, isa pang tanyag na pulitikong-lider mismo ni PBBM sa Norte ang pasimuno. Sa ilalim ng tatlong websites ng Sabong World Cup (SWC), nakakapagoperate ang e-sabong na mayroong mga studio o farms kung saan vini-videohan ang mga […]

“PEGALAN SA MGA BAYAN NG LA UNION, NAGLIPANA”

Naglipana ang mga nagkukunwaring peryahan, ngunit sa totoo’y sugalan sa La Union. Pergalan kung tawagin. Iisa lang ang operator at walang iba kundi ang popular sa mundo ng “sugal-lupang” si “MP” o “Mr. T”. Sugal-lupang tinatawag dahil hindi naman mga mayayamang gusting magdibersyon ang tumataya o parokyano ni “Mr. T”, kundi’y mga karaniwang taong, kalimitang […]

“INUTIL NA ANG BOC AT DA KONTRA VEGETABLE SMUGGLING?”

Inutil na ang Bureau of Customs at Department of Agriculture kontra vegetable smuggling. Tila hindi na nagbago ang mga taga BOC sa nakagawian nilang pamamaraang “tara system” kung saan “basta may padulas, pinapalusot”. Gayun din ang DA na itinuturong ang BOC ang may sala sa talamak na smuggling sa bansa. Mas mainam nang sa pamamagitan […]

“DEBATE SA REVISED BAGUIO CITY CHARTER, TITINDI PA”

Tiyak na iigting pa ang tunggalian ukol sa Revised Baguio City Charter (RA Republic Act No. 11689) ngayong 2024. Sana’y hindi lamang ang mga pulitiko sa Baguio ang tatalakay sa isyu kundi pati ng nakararaming mamamayan dahil importanteng makibahagi ang mga ito bilang mga mulat na taumbayan. Sapagkat ang Revised Baguio City Charter RA 11689 […]

“GALIT SA KORAP, PERO NAHAHARAP SA REKLAMONG GRAFT, CORRUPTION?”

Nahaharap sa reklamong graft and corruption sa Office of the Ombudsman si Baguio City Mayor Benjie Magalong kaugnay sa pagbili ng syudad ng lupang ilalaan sana sa socialized housing sa Sitio Topinao, bayan ng Tuba, Benguet. Ayon sa reklamo ng kapwa niyang opisyal ng syudad – City councilor Mylen Yaranon — hindi umano hayagang pinayagan […]

Amianan Balita Ngayon