Author: Amianan Balita Ngayon

“INILILIGAW NG APEX MINING ANG PANANAGUTAN NITO SA TAUMBAYAN AT KALIKASAN”

Direkta o hindi, hindi mapukaw sa isipan ng taumbayan ang pananagutan ng Apex Mining Corporation sa trahedya kung saan lagpas isang dosenang namatay habang nawawala pa rin ang higit 100 katao nang gumuho ang malaking tipak ng lupa sa Maco, Davao de Oro. Karamihan pa naman ay mga manggagawa ng Apex Mining. Mariing hinihintay ng […]

“MR. R. IBASAN, PERGALAN KING NG PANGASINAN”

Nagngangalang “Mr. R. Ibasan” ang tinaguriang “Pergalan King” ng Pangasinan. Kung si Mr. T, ang “Pergalan King” ng La Union ay walang pakundangang nagooperate ng mga peryahang may sugalan sa Tubao, Agoo, Rosario, Sto. Tomas, Burgos at San Juan, si Mr. R Ibasan nama’y walang tinag na nagpapasugal naman sa mga bayan ng Alaminos, Bugallon, […]

“E-SABONG TULOY PA RIN”

Nananatiling binabalahura ang kautusan ni Pangulong BBM na bawal ang electronic sabong o e-sabong sa bansa. Ang masama nito, isa pang tanyag na pulitikong-lider mismo ni PBBM sa Norte ang pasimuno. Sa ilalim ng tatlong websites ng Sabong World Cup (SWC), nakakapagoperate ang e-sabong na mayroong mga studio o farms kung saan vini-videohan ang mga […]

“PEGALAN SA MGA BAYAN NG LA UNION, NAGLIPANA”

Naglipana ang mga nagkukunwaring peryahan, ngunit sa totoo’y sugalan sa La Union. Pergalan kung tawagin. Iisa lang ang operator at walang iba kundi ang popular sa mundo ng “sugal-lupang” si “MP” o “Mr. T”. Sugal-lupang tinatawag dahil hindi naman mga mayayamang gusting magdibersyon ang tumataya o parokyano ni “Mr. T”, kundi’y mga karaniwang taong, kalimitang […]

“INUTIL NA ANG BOC AT DA KONTRA VEGETABLE SMUGGLING?”

Inutil na ang Bureau of Customs at Department of Agriculture kontra vegetable smuggling. Tila hindi na nagbago ang mga taga BOC sa nakagawian nilang pamamaraang “tara system” kung saan “basta may padulas, pinapalusot”. Gayun din ang DA na itinuturong ang BOC ang may sala sa talamak na smuggling sa bansa. Mas mainam nang sa pamamagitan […]

“DEBATE SA REVISED BAGUIO CITY CHARTER, TITINDI PA”

Tiyak na iigting pa ang tunggalian ukol sa Revised Baguio City Charter (RA Republic Act No. 11689) ngayong 2024. Sana’y hindi lamang ang mga pulitiko sa Baguio ang tatalakay sa isyu kundi pati ng nakararaming mamamayan dahil importanteng makibahagi ang mga ito bilang mga mulat na taumbayan. Sapagkat ang Revised Baguio City Charter RA 11689 […]

“GALIT SA KORAP, PERO NAHAHARAP SA REKLAMONG GRAFT, CORRUPTION?”

Nahaharap sa reklamong graft and corruption sa Office of the Ombudsman si Baguio City Mayor Benjie Magalong kaugnay sa pagbili ng syudad ng lupang ilalaan sana sa socialized housing sa Sitio Topinao, bayan ng Tuba, Benguet. Ayon sa reklamo ng kapwa niyang opisyal ng syudad – City councilor Mylen Yaranon — hindi umano hayagang pinayagan […]

“CHACHA PARA KANINO?”

Walang ‘por eber’. Lahat nagbabago. At mainam kung ang pagbabago ay para sa kapakanan ng higit na nakararami. Ito ang mahalagang usapin sa panibagong tulak ng charter amendments. Ngunit kung ang panibagong pagkukumahog upang baguhin ang Saligang Batas ay dahil gustong manatili sa Senado si Senador Robin Padilla, gumanap na lang siya muli sa sequel […]

“DIKTADURYA NG DPWHCAR SA -118M PROYEKTO SA KENNON ROAD”

Alergic ang mamamayan sa diktadurya. Lalo na kung malaking pondo ng bayan ang nababalahura, gaya ng pinapaimbistigahang P118M patrabaho ng DPWHCordillera Administrative Region (DPWH-CAR) malapit sa pamosong Lion’s head sa Kennon Road. Walang naisagawang konsultasyon umano sa pamahalaang lokal ng Baguio City o kahit man lang sa barangay na nakakasakop sa patrabaho at lalo na […]

NEGOSASYON NDFP AT GRP ITULOY NA!

Napakarami ang nagbubunyi sa narating na panimulang pag-uusap ng pamahalaang Marcos Jr. at National Democratic Front of the Philippines sa Oslo, Norway na nagbibigay daan sa maaring pagbubukas muli ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng dalawa. Ngunit malinaw kaya sa panig ng pamahalaan na mayroon nang mga kasunduan gaya ng Joint Agreement on the Safety […]

Amianan Balita Ngayon