Babae, arestado sa 22 kaso ng estafa, 3 kaso ng carnapping

Inaresto ng pinagsamang operatiba ng Police Stations 4, 6, 9, CIDMU at Tabuk City Police Station, Kalinga PPO si Moden Grayle Alaya-on Bayangan, 30anyos at residente ng Irisan, Baguio City; bandang 6pm ng Oktubre 29, 2018 sa Bobun, Purok Sadjo, Loakan Proper, Baguio City sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Presiding Judge Victor A. Dalanao ng 2nd Judicial Region MTCC, Tabuk City, Kalinga para sa kasong sstafa sa ilalim ng CC Nos. 5285-5288 na may rekomendang piyansa na P12,000 bawat isa; CC Nos. 5289-5291 na may piyansang P6,000 bawat isa; CC Nos. 5292-5294 – P12,000 bawat isa; CC Nos. 5395-5396 – P6,000 bawat isa; CC No. 5297 – P12,000; CC Nos. 5298-5300 – P6,000 bawat isa; CC No. 5301 – P12,000; CC No. 5302 – P6,000; CC No. 5303 – P12,000; at CC Nos. 5304, 5306 at 5307 – P6,000 bawat isa.
Gayundin, isang Alias Warrant of Arrest na ibinaba ni Presiding Judge Marivic T. Balisi-Umali ng National Capital Judicial Region Regional Trial Court, Branch 20, Manila para sa kasong Violations of RA 10883 (Anti-Carnapping Law) ay inihain sa nasabing ginang sa ilalim ng mga kasong CC No. R-MNL-18-02071-CR na may piyansang P300,000; CC No. R-MNL-18-02072-CR – P300,000; at CC No. R-MNL-18-02073-CR – P300,000.
Ang ginang ay dinala sa BCPO para sa dokumentasyon bago iturn-over sa concerned court.

Amianan Balita Ngayon