Tumatakas na bilanggo, patay sa Apayao

CONNER, APAYAO – Patay ang isang bilanggo na nagtangkang tumakas habang nagbabadya ang sama ng panahon dahil sa bagyong Rosita bandang 4:45pm ng Oktubre 30, 2018 sa Conner, Apayao.
Kinilala ang tumatakas na bilanggo na si Novelle Lutoc Laurita aka “Nonong”, 33 anyos, single, Barangay tanod at residente ng Barangay Ripang, Conner, Apayao, bilanggo sa Conner MPS sa krimeng panggagahasa.
Sa imbestigasyon, ang biktima ay kasalukuyang nakakulong sa Conner MPS lockup room habang hinihintay ang preliminary investigation ng kaniyang kasong rape. Bandang 4:40pm ng nasabing araw, sinira ng bilanggo ang padlock ng kaniyang detention cell at lumabas. Inatake ng detainee ang mga tao sa loob ng istasyon ng pulisya gamit ang kahoy na may pakong nakakabit, na ikinasugat ng mga PNP personnel. Isang personnel na naka-duty ang sinubukang pigilin ang detainee subalit nakatakas ang detainee nang basagin ang glass door ng istasyon.
Matapos nito, inatake ng detainee ang mga personnel ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa labas ng istayon at kasalukuyang naroroon si Municipal Mayor Leonardo Dangoy, pagkatapos ay tumakbo sa Barangay Ripang at doon siya nabaril habang tumatakas.
Dinala ng mga tauhan ng Conner MPS ang detainee sa Conner District Hospital subalit idineklara itong patay ng kaniyang attending physician habang sumasailalim sa pagamutan. Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy kung sino anng bumaril sa detainee.

Amianan Balita Ngayon