Babae, huli sa shoplifting sa Baguio

Huli sa aktong shoplifting ang isang babae bandang 12:45pm ng Nob. 21, 2018 sa loob ng Old Tiongsan Bazaar, Magsaysay Avenue, Baguio City.
Nagreklamo si Rex Oren Polido, authorized representative at supervisor ng nasabing bazaar, laban kay Arlene Carabuena Chavez, residente ng Central Fairview, Baguio City, dahil sa pagtatago ng 21 toiletries na nagkakahalaga ng P2,504.80 nang mahuli ito ni Chavez.
Sa imbestigasyon, sa nasabing oras at araw, paakyat ng hagdan ng nasabing bazaar si Chavez nang masulyapan niya ang cosmetics area at nakita ang suspek na kinukuha ang mga toiletries mula sa shelves at patagong inilalagay sa ilalim ng kaniyang shirt na sinusuportahan ng kaniyang girdle.
Ipinaalam agad ni Chavez sa female duty security guard ang kaniyang nakita. Nang lumabas ang suspek sa bazaar, tumunog ang alarm. Hinabol ni Chavez at kaniyang co-workers ang suspek at kalauna’y nahuli bago ito makatakas.
Dinala nila ang suspek sa likod ng bazaar at tumawag ng police assistance kaya naaresto ang suspek. Ang kaso ay inihahanda para sa inquest proceedings.

Amianan Balita Ngayon