Banggaan ng motorsiklo at taxi, 2 sugatan

Nagsalpukan ang isang motorsiklo at taxi bandang 8:40am ng October 9, 2017 sa kahabaan ng Harrison Road at Governor Pack Road intersection, Baguio City.
Sugatan ang mga biktimang sina Renato Cardona Valdez, 27anyos, married, helper, at residente ng Aurora Hill, Baguio City, at Dahlia Cabradilla Robles, 24 anyos, single, helper, at residente Upper Mangga, Itogon, Benguet, na lulan ng Honda XRM motorcycle na may plakang YN-1869.
Ang motorsiklo ay sumalpok sa isang Isuzu Crosswind wagon taxi na may plakang AYR-787 na minamaneho ni Edwin De Luna Benites, 36 anyos, married, at residente ng San Carlos Heights, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon, ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima ay patungo sa direksiyon ng Yandoc Street nang aksidenteng mabangga ang taxi na papunta sa direksiyon ng Kisad Road. Bilang resulta, ang mga biktima ay nagtamo ng sugat at dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center ng mga personnel ng BCEMS para sa agarang lunas, samantalang ang dalawang sasakyan ay nagtamo ng sira.
Ang kaso ay masusing iniimbestigahan.

Amianan Balita Ngayon