Lasing na tatay, tinangay ang 2-anyos na anak

Oct 14, 2017

Sa kasalukuyan ay hindi pa mahagilap ang isang diumano ay lasenggo na ama matapos nitong tangayin ang 2-anyos nitong anak na babae, hapon ng Oktubre 8 sa Purok 4, Dontogan Baguio City.
Dumulog sa Station 10 ng city police office sina Marcy Joy Cacdac, 25, at residente ng Samulog, La Trinidad, Benguet; at mag-asawang Brendesi Mendoza, 66, at Lourdes Mendoza, 58, kapwa residente ng Purok 4, Dontogan, Baguio City, bandang 8am ng Oktubre 9, 2017 upang ireklamo ang suspek na si Jeffrey Bravo, taxi driver, at residente ng Fairview, Baguio City.
Ayon sa mga naghain ng reklamo, kinuha ng suspek at hindi pa ibinabalik ang dalawang taong gulang na apo ng mag-asawang Mendoza.
Ang suspek ay biological father ng bata at live-in partner ni Kathlene Mendoza, anak ng mag-asawang Mendoza.
Ayon sa ulat, bandang 4:45pm ng Oktubre 8, ang suspek na diumano’y nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ay nagpunta sa Dontogan at nilapitan si Cacdac na siyang may hawak sa bata, at pilit na inaagaw ito. Tumanggi si Cacdac na ibigay ang bata subalit naglabas ng patalim ang suspek at iniumang sa beywang ni Cacdac. Dahil sa takot, napilitang ibigay ni Cacdac ang bata sa suspek na agad umalis dala ang bata at sumakay sa isang taxi na di nakuha ang plaka.
Sa panayam sa mag-asawang Mendoza, umalis ang anak nilang si Kathlene noong February 2017 upang magtrabaho sa Hongkong at iniwan ang apo sa kanila. Ibinilin ni Kathlene sa magulang na huwag ibigay ang bata sa ama nito dahil sa paglalasing nito at kawalan ng kakayahan na mag-alaga.
Subalit, puwersahan at may pananakot na kinuha ng suspek ang bata.
Nagpunta ang mga tauhan ng PS10, BCPO sa tirahan ng suspek sa Fairview, Baguio City, subalit sinabi ng kapatid nitong lalaki na ang suspek ay hindi na doon nakatira. Ang kaso ay nasa follow-up investigation.

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

BAGUIO COPS JOINS BRIGADA ESKWELA 2022

BAGUIO COPS JOINS BRIGADA ESKWELA 2022

BAGUIO CITY – As the new academic year approaches, the Baguio’s Finest took part in the Brigada Eskwela efforts being carried out in...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest